CHAPTER SIXTEEN: CONFUSED MIND AND HEART
Jeni
“JENI!” Malakas na sigaw iyon na nagpalingon sa akin. A car stopped in front of me and there I saw Miss Angel. “Sama ka sa akin. May mga dadalhin ako na documents sa ospital.”
Mabilis ako na lumapit at sumakay sa shotgun seat. Inayos ko rin ang seatbelt ko saka tumingin sa mga documents na nasa passenger's seat. “Sino po ang nasa ospital?”
“Si Atty. De Luna.” Nanlaki ang mga mata niya bigla. “Chill ka lang, Jeni. Okay na si Attorney. Itong mga documents trabaho iyan ni Atty. Clarence na i-co-consult kay Atty. Thirdy. Silang dalawa ang bantay sa ospital ngayon.”
Kaya naman pala nagmamadali umalis ang mokong na si Thirdy kanina. Pakiramdam ko talaga lugi ako sa usapan naming dalawa. Siya pa ang magdedesiyon kung kailan ako tatawagan pagkatapos ko pakinggan iyong kwento niya.
Pero na-bother ako doon dahil may gano'n pala na nangyayari talaga. Iyong nanakit before and during sexual intercourse.
Mabuti na lang talaga at hindi ako naging kasing lala ng ex-girlfriend ni Thirdy. Na-adik lang ako sa sex pero never ako naging fan ng BDSM o kahit anong klase ng sexual intercourse na may kasamang pananakit.
Sabi ko pa noon gusto ko rin ng tinatali pero simula ng marinig ko ang kwento ni Thirdy, nagbago na isip ko. Mabuti na lang rin wala pa ako na-encounter na gano'n dati.
“Okay ka lang Jeni?” tanong na muling pumukaw sa akin.
“Ah. . . opo. Medyo masakit lang ulo ko pero kaya ko naman po magtrabaho,”
“May gamot diyan sa compartment. Uminom ka na bago pa magtuloy-tuloy iyan. Pahinga 'di minsan. Baka nilulunod mo sa pag-re-review ang sarili mo tapos sa opisina bida ka pa lagi.”
“Ayos lang naman po iyon pero iyong ibang kailangan ng junior associates, common sense na lang.”
Tumawa si Miss Angel. “Kaya ikaw sinama ko para mga boss lang susundin natin ngayong araw. Hayaan mo na kay Sandra iyong mga bagitong abogado.”
“Hala ka ma'am, baka pag-usapan na naman ako sa opisina.”
“Hindi iyan. Wala naman naka-alam na kasama kita ngayon kung 'di ang HR at mga boss. They can think that you just missed a day at work.”
“Alam ng mga boss?”
“Yes. Atty. De Luna particularly asked you to be with me today.” Hinawi ko ang buhok ko at inipit sa likod ng tainga ang ilang hibla noon. Ano na naman kaya ang gusto pag-usapan ni Atty ngayon? Sana hindi tungkol sa political stand ko kasi nakakabobo makipag-usap sa dating presidente ng bansa! “You impressed the owner, Jeni. Tuloy mo lang at may pupupuntahan naman iyang efforts mo.”
“Salamat po!” Ngumiti si Miss Angel at nagpatuloy na sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa ospital.
Ang sabi ni Miss Angel, sumailalim sa emergency operation si Atty. De Luna dahil sa appendicitis. Ngayon ayos na ito at ang mga bantay ay kailangan pa rin magtrabaho kaya narito kami ni Miss Angel.
“Ngayon lang kita uminom ng gamot, Thirdy,” narinig ko na salita ni Atty. Clarence kay Thirdy.
Bulag ba siya? Lagi ko kaya nakikita na umiinom si Thirdy. Laging ganitong oras pa siya nainom. Minsan itong si Atty. Clarence sa sobrang manhid marami na ang hindi napapansin kasama na si Czarina.
“That's the last one, Kuya. I have to go back and have my annual check up.” Kaya ba itetext niya ako kung kailan kasi marami siya gagawin.
“Third, make sure you follow whatever your doctor tells you to do.” Iyon naman ang bilin ni Atty. De Luna kay Thirdy.
BINABASA MO ANG
Her Perfect Imperfection
RomanceJeni is living two lives a day. An alter ego she's been hiding from everyone else. It is a secret life indeed. A secret life is hidden in a mask, red stiletto shoes and a sexy outfit. She's the lost Eve in the den of sins who needs saving. The job m...