Chapter Twenty-Seven

101 6 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN: STAY AWAY

Jeni

“WALA po akong balak na sirain ang pamilya niyo, Mrs. De Luna. Mahal ko po si Thirdy at hindi ko maatim na gawin iyon.”

Naniniwala ako na dapat nilulugar ang pagiging overprotective sa isang tao. Madalas kasi iyong pinoprotekhan ang may gusto na masaktan. Sa kaso ni Mrs. De Luna, nakukuha ko kung saan siya nangagaling.

“Love isn't enough, hija. You cannot imagine all the sacrifices I made before entering the De Luna's household.”

That was before, Mrs. De Luna.

Gustong-gusto ko na iyon sabihin sa kanya pero mukhang may anghel na nakapaligid sa akin ngayon. Someone entered the comfort and it was Mrs. De Luna's friend. Iyong batian nila ang cue ko para lumabas na nang makahinga naman ako ng maluwag.

That was an intense encounter. Hindi ko nga maalala kung nahugasan ko ba ang kamay ko. Kaya naman dali-dali ako bumalik sa puwesto namin ni Thirdy at inabot iyong bag ko para kumuha ng wet tissue na may kasamang alcohol.

“Are you okay?” tanong ni Thirdy sa akin matapos ko maupo sa tabi niya. He immediately rested his hand on my thigh and arm at the back of the chair I'm using.

“Uhm. . . oo naman,” I said, drying the sweats on my forehead.

“What took you so long?” tanong niya ulit sa akin.

“Masyado ba akong matagal?” Tumango siya. Hindi ko napansin iyon. Iniisip ko kasi ang mga salitang binitiwan ni Mrs. De Luna. Mukhang hindi ko na nga makakalimutan pa. “Parang hindi naman ako nagtagal,” mahina kong sambit habang nakatingin sa gawi ni Mrs. De Luna na kalalabas lang sa banyong pinanggalingan ko.

Even on the simplest attire, she still looks regal. Gaya ba niya ang papasa sa pamilya nila? Does she always like that? Wala akong maalala na naging simpleng babae si Mrs. De Luna.

“Are you tired?” tanong uli ni Thirdy sa akin.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya sa matipid na ngumiti. “Hindi naman.” Luminga ako sa paligid at napansin ko na nagkakanya-kanya ng pag-uusap ang lahat. “Why don't you join your siblings there, Thirdy?”

“Will you go with me?” Parang tanga naman itong lalaki na 'to. “I'm just kidding. I'll go get us drinks.”

Bago pa ako naka-reklamo ay nakatayo at naka-alis na si Thirdy. Naiwan ako sa puwesto namin na parang nawawalang bata. Hindi ko kasi kilala ang mga kasama namin kahit pa pinakilala ako sa kanila ni Thirdy. Ang natatandaan ko lang ay mga pinsan sila ng sister-in-law niya na doktora.

Mga Dominguez na kilala 'di lamang sa pulitika noon kung hindi pati na rin sa mundo ng pagnenegosyo.

Inilabas ko ang cell phone ko at nag-search tungkol sa kanila. Isang article na na-published ilang taon na ang lumipas ang nagpalaki sa mga mata ko.

“Totoo ba?” Nag-scroll ako ng paulit-ulit para masiguro na hindi nagkakamali ang mga mata ko.

“Yes, that's true but we already cleared that news before.” Iyon salitang narinig ko at nagpa-angat sa aking tingin. “I'm Arc. You must be Thirdy's mysterious girl.”

“Mysterious. . . girl?”

“Yeah. Sa grapevine, iyon ang tawag sa 'yo.” Grapevine? Sandali nga. . . “We're not talking about you on purpose. Napag-usapan lang kasi elusive si Thirdy. Actually, lahat naman ng mga De Luna.”

I have to agree on her. It takes time to see how a De Luna deal with everything that's circling around them. At totoo na may kanya-kanya silang paraan lalo na si Mrs. De Luna.

Her Perfect ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon