Chapter Twenty

132 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY: MEETING THE MOTHER BEE

Jeni

ANG BUONG akala ko biro lang iyong sinasabi ni Thirdy na may isla siya sa loob ng De Luna Empire. Dahil bagong empleyado ako sa firm, ngayon lang nalaman na may maliliit pa lang isla sa loob ng isang malaking na hinati-hati sa mga miyembro ng pamilya. Itong kay Thirdy, malapit siya isla nang kapatid niyang si Ellis at Noelle. Katabi ng isla ng mga pinsan niya sa father side.

Ngayon ko lang rin napagtanto na ang dami pala nila na De Luna. At dumadami pa dahil nagsisipag-asawa na iyong iba.

"Ilang araw tayo dito?" tanong ko kay Thirdy ng makalapit siya sa akin.

Kanina may kausap siya na lokal yata rito sa isla. Kaya pinili ko na igala-gala na lang muna ang aking paningin at hindi ko talaga naiwasan na mamangha. Ang ganda-ganda talaga sa lugar na ito.

"Hanggang sa manawa ka." Iyon ang simple niyang sagot sa akin.

"Sira ka. . . May trabaho kaya ako sa firm." Palibhasa walang tinanggap na kliyente nitong mga nakaraan kaya si Atty. Clarence ang madalas ko na kasama. Kung minsan iyong mga bagitong abogado naman na halata ang pagpapacute sa akin pero hindi ko pinansin.

Naalala ko bigla iyong seryosong usapan namin ni Atty. Clarence na nagdulot sa akin ng iba't-ibang klase ng pakiramdam. Alam niya kasi iyong sa amin ni Thirdy pati iyong sa paglipat ko sa penthouse sa itaas ng Imperio De Luna Hotel.

"My brother is always into a damaged woman like you, Jeni." Nagulat ako ng sabihin iyon ni Atty. Clarence. Talagang napahinto ako sa trabaho na ginagawa ko at tumitig sa kanya. "Alam ko kung ano ang ginawa niyo ni Thirdy. Hindi niyo kasi kaya na maging discreet kaya napapansin ko pa rin."

Si Thirdy ang hindi kaya maging lowkey. He's still affectionate towards me even inside the office. Marami na ang nakakapansin kaya ako na naman ang sentro ng tsismisan sa opisina. Idagdag pa ang panghuhusga nila sa akin. Others said that Mrs. Sara De Luna will never allow her son to settle with a woman like me.

But here I am, making everything possible for Thirdy and I. I will never allow anyone hinder us. Even this brother of his.

"Ano'ng alam mo bukod sa kung anong meron sa amin ni Thirdy?"

"Lahat. Including your secret life, the one Thirdy keep hiding from us especially to our mother." Napalunok ako. Gusto ko ma-impress na nahuli niya agad ako at nalaman kung sino ba ako. "You still have your job, Miss Daria. I will definitely keep your secret but it doesn't mean I like you for my brother. I advise you stay away from him as early as now."

"Wala bang sariling desisyon si Thirdy?"

"We just don't want to repeat the history, Miss Daria."

"Ayaw niyo lang marungisan ang reputasyon na meron kayo at maka-apekto sa karerang tatahakin mo." Huminga ako nang malalim bago uli nagsalita. "Let your brother decide for himself. I will stay away if he asked me, attorney."

"Alam mo ba ang pinapasok mo?"

"I am well aware that your family belongs to the list of powerful families in this country. And to your world, I am nobody. But Thirdy shows me a different world since he pulled me out of the den of sin. He saved me and I, in return, will save him too in his darkness."

Those were the words I uttered that later on became a burden to my mind. Iniisip ko saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon kay Clarence na hindi 'man lang kumukurap. That man was a dominant but I am more than his dominance. Hindi ako basta-basta tumitiklop.

"Jeni. . ." Masuyong tawag sa akin ni Thirdy. Pinukaw noon ang pagbabalik tanaw ko sa naging usapan namin ni Clarence.

"Uhm, nothing! Tara ligo na tayo sa beach," pag-aya ko pa sa kanya.

Her Perfect ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon