Chapter Twenty-Four

119 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR: PROTECT YOU

Jeni

"THE COUCH is free of charge, Jeni. You can sit there and feel at home."

Napatingin ako kay Thirdy matapos niya sabihin iyon. Alam ko naman na libre ang maupo na siyang ginawa ko naman pagkahubad sa aking sapatos. Mabuti na lang at malamig na dito sa penthouse dahil grabe ang init sa labas. Naglakad pa ako kanina na may bitbit na makapal na librong nabili ko para i-review.

Iyon lang talaga ang balak ko ngayon kaso itong si Czarina kung ano-ano ang sinabi sa akin. Heto tuloy at napasugod ako sa penthouse ni Thirdy.

In all fairness naman sa pagiging tsismosa ng isang iyon, reliable rin talaga. Tama ang dinig niya na narito nga si Thirdy ngayon. Pero kukumpirmahin ko ba kung may family dinner nga sila? Ano ba ang pakialam ko doon? Ano ba kami talaga?

"Have eaten already?" Napalunok ako. "May family dinner kami kanina at pinadala ito ni Mama. Gusto mo bang initin ko para makakain ka na?"

"H-hindi pa ako nagugutom. Kumain kami ng street food kanina ni Czarina bago ako nagpunta rito." Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Puwede na ba tayo mag-usap?"

Tumango siya pero hindi lumapit sa puwesto ko. Nanatili siya sa kusina at pasandal na nakatayo sa may kitchen counter. That bothered me and made me stood up. Lumakad ako palapit sa puwesto niya at doon naupo sa high chair.

"What happened the other day?" tanong niya sa akin.

"You left me hanging which making me so confused." Nakita ko na kumunot ang noo ni Thirdy. Pero ang gwapo pa rin niya kahit nakasalubong ang kilay. Malala na talaga ang tama ko sa kanya at nagagawa ko pa itong isipin kahit seryoso ang mood na nasa pagitan namin. "Ang sabi mo gusto mo ako kaya sumugal ako sa larong hindi ko pa rin alam ang galawan kahit hanggang ngayon. But you left me hanging, Thirdy."

"I don't understand what you mean, Jeni."

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. Mukhang kailangan ko ipaalala sa kanya talaga kahit ayaw ko na alalahanin. Tutal ito naman talaga ang pinunta ko dito sa pemthouse niya at hindi kung anumang bagay.

"Sa iba mababaw ito pero para sa akin big deal na 'to. Back when we were in Isabela, your ex texted you while we're in the middle of our intimate moments. Your mood changed after that and you decided to cut me off. Sinabi mo lang sa akin na gusto makipagkita ni Dani sa 'yo. Hinayaan kita kasi may history kayo samantalang tayo wala naman."

Muli akong huminga ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"After the trip, I am so clueless what's on your mind. Noong araw na nalasing ako, maghapon ka walang text tapos magpapanggap na concern sa akin kahit may kasama kang ibang babae. Hindi ko alam ano ba talaga ako sa 'yo. Back up mo lang ba ako? Ano ba tayo? Please stop confusing me, Thirdy De Luna. Ang sakit sa ulo nitong sitwasyon natin."

I looked up to him straight to his eyes and talk.

"Now tell me what happened the other day, Thirdy? Did you ghosted me for a reason or not?"

That's ghosting for me then the next couple of days he came back like a zombie. Pagkakataon na ni Thirdy para magpaliwanag pero hindi ko alam kung gagawin ba niya dahil nakatitig lamang siya sa akin. I'm still confused and by the way he look at me now, confusion grows in my mind and heart.

"I did what I've done to protect you." Kumunot ang aking noo. "I want to protect you. I-I'm t-trying to protect you, Jeni."

Ngayon ko lang siya nakita na ganito na nauutal pa pero nag-ugat lang iyong sagot niya sa panibagong tanong sa aking isipan.

Her Perfect ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon