Chapter 6: Confide Nemini

95 7 1
                                    

"Evil begins when you begin to treat people as things." 

― Terry Pratchett, I Shall Wear Midnight

                        [Roisa's POV]

I tried calling Danica pero hindi sumasagot. Pinatay pa yata n'ya yung phone n'ya. Manunuod daw kami tapos biglang umalis.

Paglabas ko ng kwarto ay wala na s'ya sa sala o kahit saan sa bahay. Sinubukan ko s'yang hanapin pero wala talaga. Umupo nalang ako sa sofa at nagsimulang magbasa ng libro.

Nakakailang pahina palang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag.

Jasmin calling......

"HELLO? Nagtext ba sa'yo si Danica? Nandito kanina eh. Nag aaya na manuod daw ng movie kaso nawawala naman ngayon. Nagbihis lang ako!"

"Nandito si Danica."

"Saan?" takang tanong ko sakanya

"Dito sa bahay."

"Ano? Sabi ko i-text ka lang. Pinuntahan ka naman pala." Natatawang sabi ko naman. 

Ang gulo naman nitong si Danica kausap.

"Ewan ko. Kinatok nalang ako ni ate sa kwarto kasi nag aantay daw sa sala."

"Hindi nga nagsabi na pupunta pala s'ya d'yan."

"Punta ka dito. Dito nalang tayo manuod." Seryosong sabi  n'ya at hindi na ako inantay tumugon pa.

Tinapos na n'ya 'yung tawag. Napabuntong hininga nalang ako at pinilit ang sarili kong puntahan sila kahit pa parang hirap na hirap akong tumayo at lumabas ng bahay namin. Nagpalit na din ako ng damit na pang alis kasi baka mag aya silang lumabas pa. 

Medyo malapit lang naman ang bahay nila Jasmin sa amin kaya il;ang minuto lang ay nasa harapan na ako ng bahay nila.

Ilang katok lang ay pinagbuksan na ako ni Jasmin. Natanaw ko nga si Danica doon sa sala nila at nakatulala nanaman. Parang malalim ang iniisip at parang wala parin sa sarili. Pumasok na ako at dederetso sana sakanya para magtanong pero bago ko pa man s'ya malapitan ay hinila na agad ako ni Jasmin sa isang sulok.

"Ano bang problema nun?" tanong n'ya sakin habang sinisilip si Danica.

Pabulong ang pagsasalita n'ya at nag iingat na hindi yata marinig ni Danica.

"Hindi ko din alam." Sagot ko naman. Nilingon ko si Danica at ganon parin naman ang ayos n'ya.

"Sa tingin mo ba may alam s'ya?" kabadong tanong n'ya kaya't nagtataka naman akong tinignan s'ya.

 "Hindi ko alam." Napalunok ako saka ipinagpatuloy ang gusto kong itanong.

"Dumating s'ya dito kanina na parang wala sa sarili eh. Kinabahan nga ako."

"Ganon din s'ya kanina sa bahay. Baka may iniisip lang."

"Siguro nga. Pero pakiramdam ko talaga may hindi s'ya sinasabi eh. Malalim masyado ang iniisip. Kita mo? Tulala padin hanggang ngayon. Ano kayang alam n'yan?"

"Eh ikaw ba? May alam ka sa nangyayari?" Tanong ko sakanya.

Agad nya akong tinignan pero nung magtama ang mga mata namin ay iniiwas nya agad iyon na para bang iniiwasan nyang may makita ako, na may malaman ako.

"Bukod sa tawag 'nung nakaraan? May alam ka pa bang hindi ko alam?"

"Wala! Tara na nga! Puntahan na natin si Danica." Nauna s'yang umalis sa sulok na 'yon at iniwan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The secret of Class 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon