Chapter 2: The call

146 9 2
                                    

"People share only one common fate -- DEATH." - Hyuuga Neji

                   -------------

                  [Roisa's POV]

Inanunsyo na wala nang klase ngunit hindi muna kami pinalabas ng school. May mga dumating na magulang para sunduin ang kani-kanilang mga anak pero hindi kami hinayaang lumabas ng gate habang nag iimbestiga pa ang mga pulis. Kaya't nanatili ako sa isang sulok ng classroom.

Tahimik padin ang lahat at tanging hikbi lamang ang ingay na maririnig. 

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong sa akin ni Normelyn.

Ngumiti ako sakanya at tumango. Inaasahan kong aalis na s'ya pero umupo s'ya tabi ko.

"Mukang hindi ka okay kaya sasamahan na muna kita." Malungkot s'yang ngumiti sa akin.

Tinignan ko lamang s'ya at pinilit gantihan ang ngiting ibinigay n'ya sa akin. Hindi n'ya nakita ang sinapit ni Lizer dahil hindi s'ya lumabas ng classroom noong nagkakagulo. Isa s'ya sa iilang naiwan para pakalmahin 'yung estudyanteng nakatagpo sa bangkay.

Napakabait n'ya talaga, kahit pa sikat s'ya sa buong paaralan. Maganda at mayaman man ay hindi s'ya kahit kailan naging mapagmataas kaya nga kami naging magkaibigan eh. Palagi n'ya rin akong pinagtatanggol noong mga bata pa kami.

"Melyn." I called her.

Tinignan n'ya ako at binigyan n'ya ako ng nagtatakang tingin. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay n'ya.

"Salamat hah?"

"Para saan?" Kumunot ang noo n'ya at nagtataka ang mga matang tanong n'ya.

"Kasi kahit ang dami kong pagkukulang bilang kaibigan mo ay hindi mo ko iniiwan."

"Ayos lang, ganon lang siguro talaga."

"SORRY. Sorry talaga kung pakiramdam mo bina-----"

"Sinabi ko na, ayos lang." Tumayo na s'ya at hinawi n'ya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Tumalikod s'ya sa akin at mahinang nagsalita.

"Sinabi kong ayos lang. Kalimutan mo na."

"Pero-----"

"Late na, hindi kapa ba uuwi? Pwede na daw makalabas." Putol n'ya sa sasabihin ko.

Ayaw n'yang pag usapan, dapat nga sigurong isuko ko na.

Umiling ako at malungkot na ngumiti sakanya.

"Mauna kana."

"Sige." 'Yun lang ang sinabi n'ya at umalis na s'ya nang hindi man lang lumilingon sa akin.

Tinignan ko lang s'yang umalis sa harapan ko.

Alam ko...

Alam kong galit sya. Galit sya dahil sa nagawa ko.

Napakasama ko talagang kaibigan. Kahit ang best friend ko handa kong talikuran para sa pansarili kong kapakanan.

Kaibigan...

Pinayagan na makalabas ang mga estudyante kaya't unti-unti nang nawawala ang mga tao. Nag umpisa na din ako mag ayos ng gamit dahil malamang ay nag aantay na din si mommy sa labas.

Bago ako lumabas ay nadaanan ko ang upuan ni Lizer. Nandoon pa ang bag n'ya. My heart sank, I won't see her anymore. I can't believe it.

"Salamat sa pagiging kaibigan Lizer. Ano ba talagang nangyari sayo?"

The secret of Class 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon