"This world is crammed with cruelty." - Mikasa, Shingeki no Kyojin
-----------
[Christian's POV]Kasama ko si Raynald at Khenn sa bahay ni Neil. Mga barkada ko na sila magmula pa nung unang araw ko sa Triton. Lumipat ako kalagitnaan ng 3rd year namin at si Roisa lang ang may alam noon. Matagal n'ya na akong nilolokong lumipat sa Triton kaya't tinotoo ko na.
Kaibigan ko na since Primary School si Roisa at Normelyn at kaklase naman namin ang iba kaya't kahit paano'y 'nung lumipat ako ay hindi naman ako na-out of place. Kakilala ko naman sila halos lahat pero itong mga barkada ko ay galing sa ibang primary school.
Nakatambay lang kami ngayon dahil nakasuspend ang buong klase namin. Malamang nga n'yan ay pinag uusapan na kami ng lahat ng tao sa loob at labas ng eskwelahan.
Kung iisipin, ayos na din naman ang nangyari. Walang nakakaantok na klase. Makakapaglaro kami ng dota ng matagal. Ang problema lang, wala na ngang allowance may bonus pang talak sa nanay. Kaya nga hindi muna kami umuwi.
Nandito lang kami sa sala at pinagtatawanan ang mga stolen shots namin sa mga kaklase namin dati. Ipinakita kasi ni Raynald 'yung kuha n'ya kanina kayla Isabel na nakanganga pa habang nakikipag usap kaibigan nito. Tipikal na gawain ng mga kabataang walang magawa kundi manghusga at manglait ng kapwa. Everyone have their own demon after all.
Nagkakatuwaan na sana kami hanggang sa malipat sa isang litratong magpapaalala ng pangyayari sa unang araw ng klase.
Natahimik kaming lahat ng makita namin ang stolen shot ni Lizer. Biglang naging awkward ang paligid at walang nagsasalita. Katahimikan lang ang nangibabaw sa amin hanggang sa magtanong si Raynald.
"Hindi ba kayo nagtataka?"
Napatingin kami sakanya at umayos s'ya ng upo upang harapin kami. Tinignan n'ya kami isa't isa na tila tinitignan at tinatanya kung kuryoso na ba kami habang lahat kami ay nakatutok sa susunod n'yang sasabihin.
"Nagtataka saan?" Tanong ko sakanya nang hindi ko na mapagilan.
Tinignan n'ya kami isa isa na parang isang katangahan ang hindi namin pagkaintindi sa ibig n'yang sabihin. Bumuntong hininga muna s'ya bago nagsalita.
"Bakit si Lizer?"
"Hah? 'Di ko gets pare." Natatawa namang sabi ni Khenn.
"I mean, ang daming pwedeng patayin sa school o kaya sabihin na nating sa section natin pero bakit si Lizer?"
Hindi ko s'ya masagot, I mean hindi ko na s'ya sinagot. Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako sa usapang ito o ano.
"Hmm, ewan ko pero isa lang ang ipinagpapasalamat ko." Seryosong sabi ni Khenn.
Namatayan na nga kami ng kaibigan may ipinagpapasalamat pa s'ya? Hindi ko maiwasan ang pagsimangot at pag sama ng tingin ko sakanya.
"Ano naman 'yon?" Tanong namin sakanya.
Tumingin lang s'ya sa amin at malungkot na ngumiti. Saka sumandal sa inuupuan n'ya at malungkot na tumingin sa kisame.
"Na hindi si Sheila yung namatay. Hindi ako, hindi kayo pero syempre hindi din naman ako natutuwa na si Lizer ang namatay. It could've been someone else who is more deserving to die. You know?"
BINABASA MO ANG
The secret of Class 2013
Roman pour AdolescentsSecrets have a way of coming out and this is what haunts the students of Triton International High School.