Chapter 3: Survival

111 8 2
  • Dedicated kay Jared Dionisio
                                    

It's ironic that fear has a relationship with sweet things and beautiful.

                 ---------------

Hindi ko padin tinatanggal sa tapat ng tenga ko 'yung phone at naririnig ko padin ang pag hinga n'ya mula sa kabilang linya. Inilibot ko naman ang paningin ko sa labas ng classroom namin pero bigla nalang naputol ang tawag.

Hyezel, that girl. Wala s'ya sa classroom, kahit saan ako tumingin ay wala s'ya. S-S'ya ba 'yung kausap ko?

"Sinong hinahanap mo?"

"H-Hah?"

Paglingon ko ay seryosong mukha ni Giaan ang sumalubong sakin. S'ya yung Vice president ng classroom namin.

"Sinong hinahanap mo?" Ulit n'ya sa kanyang tanong.

"Si Hyezel."

"Bakit?"

 "Anong bakit?" Kinakabahan at wala sa sariling balik tanong ko sakanya. Hindi n'ya inaalis ang tingin n'ya sa akin kaya't pakiramdam ko ay kailangan kong magpaliwanag.

"W-wala kasi s'ya dito eh." 

Medyo hindi ko makita ang logic ng tanong n'ya kasi diba kaya nga hinahanap 'yung isang tao kasi wala s'ya?

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa iba bukod sa sarili mo at sa mga kaibigan mo?"

Napamaang ako sa tanong n'ya.

"T-Teka. Ano bang sinasabi mo?" Taka kong tanong sakanya.

Nakakatakot naman kasi minsan talaga kausap itong si Giaan eh. Masyadong seryoso tapos parang ang dami n'yang alam tungkol samin, misteryoso at matalino.

"Wala naman."

Bigla s'yang ngumiti at tinalikuran na ako. Pumunta na s'ya sa upuan n'ya at nakipagusap sa mga kaibigan n'ya. Napakawalan ko ang hiningang pinipigilan ko na pala. Ano ba ang problema ng lalaking 'to?

"Uy? Ano pinag usapan n'yo?"

Napatingin ako kay Sam. Agad kong itinago ang cellphone ko at bumaling sakanya upang makapag usap kami ng maayos. 

"Bakit?"

Is the person still on the line? Was it Hyezel?

Sumulyap s'ya kay Giaan at ng ibalik nya ang tingin sa akin ay may nakita akong lungkot duon.

"Wala lang." Nakangiti n'yang sinabi.

Sinundan ko s'ya ng tingin pero hindi na nya ako nilingon pa dahil ang paningin n'ya ay nasa gawi ni Giaan.

Tinignan ko agad ang cellphone ko ngunit wala na ang tawag doon. Marahil ay pinatay na nito noong narinig na may kumakausap sa akin. 

Hindi padin kumakalma ang puso ko. Maaari bang si Hyezel ang kausap ko? Anong pwedeng dahilan n'ya para gawin 'yon kay Lizer? Hindi ko maintindihan.

"Hoy cleaners! Maglinis naman kayo!" Sigaw naman ni Joymie.

Makalat kasi ang classroom matapos ang lunch. Kaya nagpapalinis si Joymie ay susunod na klase namin ay kay Ma'am Therese, ang adviser namin. Kilala s'ya mataray na guro kaya siguro umiiwas na mapagalitan ang mga officers. 

Hindi naman ako isa sa cleaners ngayong araw kaya hindi ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Katabi ko si Normelyn na busy naman sa cellphone n'ya at si Jasmin na nagsusulat ng lecture n'ya sa Physics.

"AAAAAAAAAAAH! JARED!"

Napalingon kaming lahat dahil sa sigaw na mula sa isang kaklase namin. Napatayo ako upang sipatin kung anong pinagkakaguluhan nila. 

The secret of Class 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon