Free will. It's like butterfly wings: once touched, they never get off the ground. No, I only set the stage. You pull your own strings.
-John Milton a.k.a Satan (Devil's advocate)
------------
Today, everything will fall to it's right places.
Today, I won't hold back anymore.
Today, I will make all of them pay because today's the start and I won't stop.
I will drag you all to where you belong and I will do it hard. Welcome in hell little devils.
[Roisa's POV]
Maingay at magulo
Yan ang bumungad sa akin pag pasok ko palang sa gate ng paaralan namin.
Kagaya ng lahat ng paaralan tuwing simula ng klase, nagkakagulo ang bawat estudyante sa paghahanap ng kanilang magiging classroom pati na rin ang ingay ng mga magkakaibigang hindi nagkita ng nakaraang mga araw.
Napapailing nalang akong naglakad patungo sa classroom na naka-assign sa amin ng mga kaklase ko. Muli, nasa star section nanaman ako. Lagi namang kami ang magkakasama.
Bago pa man ako makarating sa pintuan ng classroom ay napahinto ako. Hindi ko alam kung bakit but I can feel someone staring at me kaya't lumingon ako upang hanapin kung sino iyon pero walang naman akong nakitang nakatingin sakin dahil mukhang abala naman ang lahat sa kani-kanilang gawain. Ipinasya kong ipagkibit balikat na lamang iyon at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Habang papalapit ako nang papalapit sa aming classroom ay naririnig ko na ang malalakas na boses ng mga kaklase ko. Wala pa man ay napapangiti na ako. Hindi na rin ako nagulat, ganito naman lagi.
Pagpasok ko ay sumalubong sa aking ang kanya kanyang tumpukan sa classroom. Ayaw magpaawat ng lahat sa pagku-kwentuhan. Para bang ngayon lang ulit nagkita at ngayon lang ulit magkakausap.
Life is easier when we don't care. Because if you give a damn, it will be complicated and difficult. The past doesn't matter now.
"Long time no see ah?" Salubong sakin ng isa sa mga malalapit kong kaibigan.
"Two months Khenn, two months!" Natatawang sabi ko.
Tumawa rin s'ya at nagsimula na kaming magkamustahan tungkol sa nangyari sa amin nitong nakalipas na bakasyon.
"Ayos lang naman pero iniisip ko padin yung nangya----"
"Napagkasunduan na 'yun hindi ba? Kalimutan mo na 'yun. Hahahahaha" Putol n'ya sa sinasabi ko.
Tss minsan talaga iniisip ko kung paano ko naging kaibigan ang isang ito eh.
Habang tinitignan ko ang mga kaklase kong masayang nag uusap ay napapangiti nalang ako. Hindi naman kami ganito ka-close lahat nuon eh. Ewan ko ba, bigla nalang kaming naging sobrang lapit sa isa't isa ng mga kaklase ko dahil sa nangyari last year. Isa lang ang sigurado ko, pinatindi ng mga problema ang samahan namin.
*tok* *tok* *tok*
Napalingon ako sa ingay na iyon. Kahit pa napakalakas ng kwentuhan sa buong paligid ay nangingibabaw parin ang tunog ng takong na 'yon na nanggagaling sa suot na sapatos ng isang gurong pumasok sa loob ng classroom namin.
Nilingon ko ang mga kaklase ko pero gaya ng inaasahan ko ay hindi din nila pinansin ang presensya ng guro sa harap. Gusto kong matawa sa reaksyon ng teacher namin nang makita n'yang hindi padin tumitigil sa pag-iingay ang mga kaklase ko kahit nagsasalita na sya sa harap kung hindi lamang sa pangdidilat ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The secret of Class 2013
Teen FictionSecrets have a way of coming out and this is what haunts the students of Triton International High School.