IV

7 1 0
                                    

Obey


Hindi na ako nagulat sa biglaang paglalaho ng tatay ko. Naalala ko noong bata pa ako na pagkatapos niya kumuha ng pera sa nanay ko ay bigla na lang sya aalis ng walang paalam.

"Mona, ikaw na ba iyan? Sino ang kasama mo?" tugon ng nanay ko habang sinisilip si Fifth na nasa likod ko.

Tila di na rin bago sa nanay ko ang biglaang pagtakbo ng tatay ko.

"Wala po inay. Napadaan lang." 

"Pasok na ako." iniwan kami ni inay sa labas ng bahay.

I looked behind me and I saw Fifth still looking at the direction where my father ran off. Pinakadulo na kasi ang aming bahay at ang aming bakuran ay isang malawak na tubuhan.

"Why are you here? What are you doing in my house Fifth?" I looked at him seriously just so he can look at me straight in the eyes.

"I am just following someone." 

Someone? Is it..

"Who? My father? Bakit naman?" I raised an eyebrow. After months of 'No Fifth', here he is like a spy searching for his target.

"He is the one on the gates of our university, right?" 

And then it hit me.

"Don't tell me na all these months you've been searching for him because of what he did to me?" I chuckled because I find it ridiculous.

Why would he care in the first place?

I was waiting for an answer when I heard my mother called me again.

"Mona, hindi mo ba papapasukin iyan?" 

"Papunta na po!" sigaw kong pabalik sa nanay ko.

I rolled my eyes regretting what I just said.

"Fifth, don't say anything weird. Make an excuse and magpaalam ka na." kaagad kong sabi.

I held his arms and marched on our front door.

"Si Fifth po kaklase ko. Nagbabakasyon lang dito dahil po sembreak naming sa school. Naligaw lang daw po." Pagpapalusot ko sa nanay ko.

Itinaas ng nanay ko ang kilay niya at tiningnan mula ulo hanggang paa si Fifth. She was serious at first and then she suddenly smiled.

"Saan ba ang sadya mo hijo?" malambing niyang sabi kay Fifth.

Halos malaglag ang panga ko sa pagiiba ng ugali ng nanay ko noong kinausap si Fifth.

"Hinahanap ko po sana ang bahay ni Mayor, sabi po kasi nasa likod lang ng lupaing sakahan, kaya ito pong daan ang aking sinundan."

I could give this man an award for being a best actor. How can he come up with a lie so quickly and elaborately.

"Ahh si mayor pala. Nako hijo, sa sunod pa na lupain pa dapat. Tuntunin mo lang iyong daan ng mga limang minuto." Sabay turo niya iyong kahabaan ng daan. 

Kaagad naman tumango si Fifth sa sinabi ng nanay ko.

"Hayaan mo sasamahan ka netong si Mona." Nakangiting sabi ng nanay ko.

What the hell!

"Inay!"

Pagalit niya ako tiningnan pero kaagad ring napalitan ng ngiti ng bumaling kay Fifth.

So I have no choice! Ayaw ko din naman masira mood ng nanay ko sa paguwi ko. 

"Pahintay na lang Fifth dito. Ilalapag ko lang ang gamit ko." 

Bring Me Home (Batangas Series)Where stories live. Discover now