MA - 1

10 0 0
                                    

。⁠*゚

RYO'S POV

"Iha, welcome home!" ani Ma'am Eli.

A massive house, indeed.

Tangina laki ah? Hehe.

"Welcome home? H-hindi naman po ako umuwi ng bahay niyo, in fact makikituloy nga po ako e."

Oo, tama ang nabasa niyo, makikituloy. Si nanay kasi, pumayag na mag trabaho ako dito kina Ma'am Eli. Buong pangalan niya ay Elizabeth Min. Koreana ang lahi ng lola mo!

Pure korean asawa niya kasi. Min ang apelyido na meron siya.

So, ayun na nga, pumayag si nanay kasi wala naman siyang magagawa kasi si tatay na 'yun e, siya na nag sabi, sino ba naman kami para tumanggi hehehe.

Palamunin lang daw ako doon e, e bakit hindi ako magiging palamunin e nagugutom ako?

"That's how we welcome people here, anak. C'mon, pasok ka at nang maipakita ko na sa iyo ang mga magiging kasama mo dito mula ngayon."

Wala na lang akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.

Mula sa sala hanggang sa rooftop ng bahay ay ipinakita niya sa akin, mula sa asong nagngangalang Holly hanggang sa mga ibang katulong sa bahay ay ipinakilala rin niya!

At sabi pa niya ay may isa pa daw siyang nais ipakilala sa akin.

Sino naman?

"Alam mo iha, I would like you to meet my son, but suddenly, he was out of town or he's been somewhere God knows where."

"May anak po kayo?"

"Yes! And actually, that's the thing I would like to discuss by now. Wala pa kasi ang Tito Max mo kaya ako muna ang mag sasabi sa iyo kung ano ang magiging trabaho mo dito sa bahay."

Habang sinasabi miya 'yon ay hindi ko maalis sa isipan ang kaniyang anak na lalaki. May anak pala sila? Mukha kasing 20 years old palang itong si Ma'am Eli.

Ilang taon na kaya anak nila? Nasa out of town daw? Baka sa grandma niya? Ganon kapag mayayaman diba?

Baka siguro 3-5 years palang ang anak nila. Baby pa hehehe. Gusto ko 'yon, baby. Mahilig ako sa bata! Promise!

Lahat ng bata sa amin inaalagaan ko e! Kapag hindi sila naliligo, pinapaliguan ko sa'min kaya naman napapagsabihan ako ni Tatay.

"Ano po 'yon?" Tanong ko sa kaniya matapos niya akong paupuin sa isang mahabang sofa, at take note! naiibo ang sofa!

Kanina malapad siya na pwedeng higaan ng isa hanggang tatlong tao, ngayon naman ay nauupuan na lang siya! Ngunit sa tingin ko ay pwede rin namang higaan.

"My son has always been sakit sa ulo. He's stubborn and hardheaded, hindi siya sumusunod sa utos ng kung sino-sino lang, he wants to do things on his own kahit hindi niya kaya mapatunayan lang na hindi niya kailangan ng tulong ng iba. Babalaan na kita, iha... H-hindi madaling kasama ang anak ko, so please be patient with him. We'll pay you extra if you want."

Ano daw?

"H-ho? Bakit po? Hindi ko po kayo gets."

Totoo namang hindi ko siya gets e.

Bakit niya sinasabi sa akin 'to? Hindi ko naman siya tinatanong? SML?

"I want you to take care of our son."

"Ah, madali lang po pala, kaya ko po 'yun! Kahit po gaano kakulit ang batang 'yan, kayang kaya ko po dahil magaling po ako mag alaga ng bata sa amin e. Hindi niyo na po kailangan mag bayad ng extra dahil kaya ko na po mag alaga ng bata."

Mr. AntipatikoWhere stories live. Discover now