AERO'S POV
"Kaya mo pa ba?" tanong ni Dash habang humahalakhak.
"Akala mo kasi laging hindi malalasing e. Tumayo ka diyan, Perez. Uuwi na tayo!"
Lasing na ba ako? Ah, tama! Hindi ako lasing. Never pa ako nalalasing ano ba kayo.
Medyo blurry nga lang ang paningin ko. Inaantok na kasi ako e.
"Ano ba, Aero! Mag sasara na itong bar, tumayo ka na diyan!" Boses iyon ni... Asher! Hindi, ni Axl!
Kay Axl ba 'yon? Pakiramdam ko kay Clyde talaga e.
"Anong tinatawa tawa mo diyan? Nako naman, lasing ka na nga."
"Hindi ako lasing ano ba kayo? Tinginan niyo o nakakatayo pa ako." pabida ko sa kanila.
Tumayo ako upang mag lakad at patunayan na hindi talaga ako lasing.
Ngunit pagkatayo ko ay pakiramdam ko ang pag bigat ng katawan ko at pag bagsak ko sa sahig.
Pakshet, nadulas.
"Huwag ka ngang pabibo! Dash, buhatin mo na 'to!"
Rinig kong pag uusap nila. Hanggang sa may naramdaman nga akong bumuhat sa akin. Lasing na ba talaga ako? Nakailang bote ba ako? Wala pang tatlo 'yun e! Ibalik niyo ako, gusto ko pa uminom.
"Gusto ko pa uminom, balik tayo..." mahinang ungot ko.
"Aero, lasing ka na ano ka ba?"
Matapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko ang malamig na hangin ang dumampi sa mukha ko. Nasa langit na ba ako?
Kaunti pa ay naramdaman ko na may matigas na bagay akong sinandalan. Ang mercedes ko.
"Kaya mo bang umuwi?" tanong ni Dash.
Pumikit muna ako ng ilang beses bago tumango.
"Kaya ko. Kaya kong umuwi."
"Sigurado ka ba? You look wasted na kasi. Sabihin mo lang, ako na mag hahatid sa'yo, sasabihin ko nalang kay Xy na siya na ang mag drive ng kotse ko tutal wala naman siyang dala."
"Dash, kaya ko. Sige na umuna ka na, mag papahangin lang ako dito."
"Sinong niloko mo? Matutulog ka lang dito. Pumasok ka na at kapag nadatngan ka pa ni Asher dito, patay ka."
Fine. Fine.
Sa aming lahat talaga si Asher ang pinaka bayolente. Hampas doon, hampas dito ang galawan niya. Minsan nga hindi ko alam kung lalake pa ba siya o ano. Mas nanay pa siya kay Mom. Sa kaniya nga yata ako natuto ng tama at mali kesa sa teacher ko nung grade 1 e.
Hindi na ako pumatol pa ng salita kay Dash dahil alam kong hindi nga ako mananalo sa kaniya. Taas taas ng IQ niyan e. Anong laban ko e gwapo lang naman ako?
Pumasok na ako ng kotse.
Kaya ko bang umuwi?
Oo naman. Ako si Aero. Kahit mag patakbo pa ako ng eroplano ng lasing.
Maingat kong itinapak ang paa ko sa clutch at nag simulang patakbuhin ang sasakyan. Bumusina muna ako bago tuluyang umalis sa lugar na iyon upang ipahatid na aalis at uuna na akong umuwi kay Dash.
Habang tinatahak ang daan pauwi ay pinipigalan kong hindi pumikit. Pero kampante naman ako dahil sa palaging iyon ang pinupuntahan ng barkada ay saulo ko na ang daan kahit pikit ako.
Pero, nahihirapan talaga ako kasi inaamin ko nang lasing na nga ako.
Ngayon lang ako nalasing ah?
Hindi ko alam pero nag iinit talaga ang katawan ko, gusto kong maligo pero hindi naman 'yon ang gusto ko. Bukas naman ang aircon pero pinag papawisan ako. Pucha, na drugs yata ako.
YOU ARE READING
Mr. Antipatiko
Teen Fiction"The first time we met, the first time I laid my eyes on you, I know you'll gonna be mine." "My heart find solace in your presence, miss ma'am."