MA - 5

4 0 0
                                    

RYO'S POV

Gising na gising ang diwa ko buong gabi. Hindi ako nakatulog. Talagang hindi.

Iniisip ko parin ang sinabi ni Aero kanina.

He wants me to be his girlfriend. But, it was only applicable when that girl named Dree was nearby or even here with us.

Ang sabi ko sa kaniya ay bakit hindi iwasan nalang si Dree upang wala ng problema. Pero ang sabi niya, she was his mother's inaanak. Ninang niya pala si Ma'am Eli. Kaya naman mahirap ang pag iwas niya dito dahil kung minsan ay dito siya namamalagi dahil request ito ni Ma'am Eli.

Tinanong ko din siya kung bakit kailangan pang mag panggap na in-a-relationship kaming dalawa sa harap niya at ang sagot niya ay "to show her what she lost"

Pero nilinaw niyang kapag nandito lang si Dree at kapag alam naming malapit siya sa amin ay mag papanggap kami at kapag wala naman ay balik ulit kami sa dati.

Pero ang sabi ko hindi ako papayag. Paano na si Ethan? Loyal ako sa kaniya. Paano kung malaman ito ni Ma'am Eli at sabihin kina Inay at Itay? Patay.

Tapos makarating pa kay Ethan. Lagot.

He said he was looking for my answers this morning. Eh bwisit umaga na. Hindi ako natulog mag damag kakaisip ng pwedeng solusyon para takasan ko ang problemang ito.

Bakit kasi kami naabutan sa mall e.

I sighed. Umaga na nga, maliwanag na sa labas e.

Tumingin ako sa oras kung anong oras na. It's past 6 am.

I rose upon my bed and decided to walk down para masilayan ko naman ang sunrise.

I pick a messy bun sa kulot kong buhok. My hair was wavy since birth, sabi pa nga nila kamukha ko daw si mama mary.

Bumaba ako ng hagdan thinking na wala pang gising kasi maaga pa naman. But to my surprise...

He was there, sitting at the counter drinking coffee.

Bwisit naman o.

Halos mawala ang kaluluwa at dinadala ko sa buhay nang banggitin niya ang pangalan ko. I wasn't even near him. Kabababa ko lang ng hagdan, kita kasi ang dining table kasi malawak ito at malapit lang.

"Ryo."

Those deep raw voice of him. Para akong binuhusan ng semento dahil na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. How can he woke up this early kung gabi na siya natulog?

Hindi rin siya natulog? O baka sadyang maaga lang siya gumising?

I gulped the lump on my throat and decided to look up to him only witnessing his firm eyes. I guess he was still furious? Kasi nung hindi ako pumayag, nagalit siya.

Ang sabi pa niya ay tataasan niya ang sweldo ko ng triple kung maaari. E, hindi nga maaari! No!

He motioned me to come near him so I mentally scolded my self for even looking at him. Pwede namang bumalik sa taas at kunwaring hindi siya nakita diba?

Engot, engot ka talaga Ryo Del Valle! Engot!

"I said come here." Ayan na naman siya sa boses niya.

Kahit hesitant ay lumapit ako.

Looking at the floor nang makalapit ako sa kaniya ay bigla siyang nag salita.

"I'll make your salary up to five times a month."

Nanlaki ang mga mata ko habang naka tingin ako sa sahig at alam kong kita niya ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. AntipatikoWhere stories live. Discover now