MA - 4

4 0 0
                                    

RYO's POV

"Iha, tawagin mo na si Aero at kumain na kayo."

Paalala ni manang sa akin, halos matagal ang pagkakaluto ni manang sa adobo niya kaya inabot na ng dilim. Pero alas sais palang naman e (6:00 pm).

Pumunta ako sa tapat ng kwarto niya upang tawagin na siyang kumain.

Kumatok ako ng tatlong beses.

"Aero? Handa na ang pagkain sabi ni manang, tara na at nang maka kain na tayo."

Nag hintay ako ng ilang segundo pero walang sumasagot. Tulog ba siya?

Kumatok ulit ako ng tatlo.

"Aero? Tulog ka ba? Gising ka naman e, tara na kakain na tayo handa na ang pagkain. Hala ka kapag si manang nagalit."

Parang bata na banta ko sa kaniya.

Pero hindi pa rin siya sumasagot.

"Aero? Kapag hindi ka lumabas diyan lalagyan ko ng lason ang pagkain m-!"

Bumukas ang pinto.

"Can't you see I don't want to eat?"

Ay hala, galit.

Inaano ko na naman ba 'to?

Napasimangot nalang ako.

"Hindi pwede, kakain ka. Hindi ka pa kumakain ng tanghalian o, mag papakamatay ka ba?"

"So what? Kumain ka mag isa mo."

A loud bang was heard across the hall.

Pinagsarahan ba naman ako ng pinto? Sa harap ng pag mumukha ko?

Bumuntong hininga nalang ako at saka bumaba. Nakakahiya kasi kapag hindi ako kumain e nag luto pa mandin si manang.

"Oh, nasaan ang alaga mo?"

"E ayaw daw po niyang kumain e."

"Nako, ganiyan talaga iyang batang 'yan. Simula nung nag binata siya, ang hirap na niyang pakainin at palagi nalang nasa kwarto niya at nag kukulong. Kahit siguro mag hain ka ng letchon ay hindi pa rin siya kakain."

Napataas ang kilay ko.

"Bakit naman po? Ganoon po ba katigas ang ulo niya?"

"Hindi naman sa ganon iha, may tinatago ding kabaitan iyang alaga mo. Napagkataon lamang na lumaki nga siyang ganiyan."

"Nako! Manang anong mabait e ubod ng sama ang ugali non e! Lagi nalang niyang sinasagad pasensya ko!"

"Bigyan mo pa siya ng oras iha, siguro baka sa isang araw magiging komportable na siya sa'yo."

"Sana na nga po. Kasi mukhang mahihirapan po akong alagaan siya e at akala ko rin ay bata ang aalagaan ko kasi hindi naman sinabi sa akin ni Ma'am Eli na ganito pala kalaki at kabarumbado ang aalangaan ko."

Tumawa nalang si manang at ipinaghain ako. Sabi ko sa kaniya na ako nalang at mag pahinga na siya. Ako nalang din ang mag papakain kay Aero mamaya. Tutal nandito naman ako para maging alipin niya e.

。⁠*゚⁠+

Alas-dyis na ng gabi (10:00 pm) at wala pa ring balak na kumain ang antipatiko na 'yon.

Mr. AntipatikoWhere stories live. Discover now