MA - 3

5 0 0
                                    

Aero's POV

May liga ulit?

Napabuntong hininga ako. Kahit na excited ako at mag lalaro na ulit ay hindi ko maiwasang mangamba. Hindi dahil sa maiiba ang schedule ko ay kundi dahil sa babaeng ito.

What will I do to her? Isasama ko siya lagi sa laro ko? Heck, baka pagusapan ako ng mga ka-team ko. Hindi naman kasi papayagan ni Mom na iwan iwanan ko ito, at kung gawin ko man, mamaya makikita ko nalang siyang nakasulpot kung nasaan ako dahil pinadala siya ni Mom.

I tried to leave my old care taker and I always failed to do so.

Pagkasakay ko ay agad ko ulit pinalipad ang kotse. Hindi ko tipong ibalandra ang Mercedes ko kasi panggala ko lang 'yun, kaya itong McLaren nalang ang papalipadin ko dito.

Ramdam kong halos banggitin na ni Ryo ang lahat ng santo dahil sa mabilis na pag da-drive ko. Kasalanan niya, isang oras niya akong pinaghintay kanina! Magsawa siya ngayon. Ang dami kong pupuntahan e.

Agad kong ipinarada ang sasakyan sa parking lot nitong mall. Bago ko patayin ang makina ng sasakyan ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at iniwan ito sa sasakyan.

I leave my car and started walking to enter the mall.

"Bwisit! Oy, sandali!"

I sighed.

Tangina talaga. Out of all people, ganito pa ang pinili ni Mom?

"Ano ka ba, bakit mo naman ako iniwanan? Saka saan ba tayo pupunta? Mag gagala ka na naman ba? At talagang isinama mo pa ako!"

"Will you please shut up? Ang ingay-ingay mo!"

"E nag tatanong lang naman ako at hindi mo pa ako sinasagot, saan ba tayo pupunta?"

Agad akong sumakay ng escalator, mas gugustuhin ko sa elevator kaso parang trip kong mag escalator ngayon, mukhang ang ganda kasi ng ambiance ng mall, magandang tingnan. Saka para makita na rin ng mga tao dito ang kagwapuhan ng isang Perez.

I looked back to see if that girl catched up. I sighed seeing her at my back looking around the mall. Ngayon lang ba siya nakapunta ng mall? She looked like a lost puppy.

But she's defenitely not a puppy, maybe a bulldog or a doberman since she's thin as hell.

Once we arive to second floor I immediately rose my feet upon the nearest cinema. Napag isip-isp ko kasing manood ng movie ngayon kasi bored ako sa bahay, ayokong manood ng t.v, sayang kuryente.

Ano kayang showing?

"Uy, mag si-sine tayo?"

Narinig kong sabi nung babae. As if I want her to be with me 24/7.

Hindi ko siya pinansin at tumingin nalang ako sa Now Showing nitong Cinema.

E? Walang maganda? Should I try this "Culpa Mia"? What the heck is Culpa Mia?

"Aero?"

From my busy self my gaze fall on to the person who calls my name.

"Stephen?" I mumbled.

"Bro! What the heck? What are you doing here?"

Lumapit ito sa akin at nakipag bro-bump. Bumping our shoulders together.

I was also thinking the same thing. Ano nga bang ginagawa ko rito? Manonood ng movie? Pero bakit sa mall? Kasi tinatamad akong mag sayang ng kuryente?

"Hindi pa ba halata? Hanggang nagyon, boplaks ka pa din, Stephen."

Mr. AntipatikoWhere stories live. Discover now