Chapter 2

3.6K 57 0
                                    

"Congrats, Sae. Finally! Hindi na virgin ang lips mo." masayang sabi sa akin ni Faye.

"Sa hindi ko kilala!" inis ko pang sagot.

Kinwento ko kasi sakanila ang nangyari nung nasa bar ako.

"Maybe, lunod na lunod lang kayo sa alak that night. Ilang alak ba ang nainom niyo? Ilang shot?"

"Hindi ko maalala e."

Hindi ko naman sila ka-vibes! Paanong magiging ka vibes e, puro ako trabaho wala na ginawa kundi mag trabaho kaya ang napunta lang sa utang ko ay mag trabaho kesa mag saya palagi katulad nila.

"Una na nga ako, may pupuntahan pa ako." sabi ko sakanila at tumayo na..

"Work na naman." anas ni Faye.

Malawak na lupain, puro racing car ang nakikita ko.

"Hindi lang dahil sa mga sagot mo ang dahilan kung bakit ka natanggap, because of your face na din. Maganda ka, 'yung kagandahan mo. Bagay na bagay sa TV." hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil sa naririnig ko.

Ang bait naman nila dito.

"Thank you Sir." pasasalamat ko naman.

"Isasanay ka namin sa ngayon, dito ka mag sasalita, dito sa spot na ito ikaw mag sasalita. But kailangan mo munang sanay ka sa mga mabibilis na kotse na dadaan sa likod mo." bigla naman ako kinabahan. "Don't you worry." tinuro niya ang red na bakod. "May bakod naman."

Alinlangin akong ngumiti, pero baka tangayin padin ako niyan.

"Nauuso na din kasi dito sa Pinas ang ganitong mga bagay, kaya kailangan ipakita sa TV." sabi pa niya.

Pinakita muna niya sa akin kung paano hawakan ang mic, kung paano sanayin ang sarili na hawakan ang mic, tumayo ng ayos, maging masaya palagi sa harap ng camera at energetic.

Nasunod ko naman ang lahat.

Pero ito na, ang mag salita habang may nadaan na mabibilis na kotse sa likod ko, kabadong kabado talaga ako.

"Jaze! Halika nga dito." sigaw nung nag tratrain dun sa lalaki, naka helmet siya at patakbong pumunta dito.

Napalunok naman ako kasi ang tangkad niya, naka suot siya nung mga damit na ginagamit kapag nag kakarera. Hinubad niya ang helmet niya at bumungad sa akin ang napaka gwapo niyang pag mumukha, matangos na ilong, redish na labi ang gwapo-sandali. Parang nakita ko na ang lalaking ito.

"Yes?" namilog ang mga mata ko nung nag salita siya at agad na tumalikod sakanilang dalawa.

Siya 'yung lalaki sa bar, siya 'yon hindi ako pwedeng mag kamali, kilalang kilala ko ang boses niya.

"P'wede mo ba patakbuhin ang kotse mo sa likod niya while training? Siya kasi ang bagong reporter." napamura naman ako na mahina.

"Of course, Richard." napa sign of the cross ako na mabilis. "Hey." ako ba ang tinatawag ng gwapo niyang boses?

"Saena." tawag sa akin ni Richard at wala akong nagawa kundi harapin silang dalawa, ngumiti ako, kabadong ngiti.

Endless | Warmth 1 | Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon