Chapter 32

1.6K 22 9
                                    

Natutulog siya nang mahimbing, nakatitig ako sakaniya habang naka upo ako sa gilid ng kama niya. Siguro pagod na pagod na talaga siya sa trabaho nya. Hinawakan ko ang kamay niya para ramdamin kung mainit pa din siya.

Mainit pa din.

"May lagnat tas nag inom." bulong ko at nagulat ako nang bigla niyang hawakan din ang kamay ko. "Gising ka pa pala."

"Pag ka gising ko ng umaga, may lagnat na ako." kwento niya sa akin at napa buntong hininga ako.

"Edi sana hindi ka na bumangon." anas ko sakaniya at ramdam ko ang pag pisil pisil niya sa kamay ko.

"Kung maaga ko lang nalaman na si Jiro pala ang aattend." napahinga ako nang malalim at minulat na niya ang mata nya.

"Parehas namin pinapatakbo ang business, natural lang na siya minsan yung aattend." ngumiti siya at tinignan niya ako.

"I understand." hindi pa din niya binitawan ang kamay ko.

"Matulog ka na ulit, pahinga ka na." ang sabi ko at hinawi ang kamay nya pero hindi siya nag patinag.

"What if your hands make me feel better?"

What if tigilan muna nya ang kalandian niya.

Huminga ako nang malalim. "Gumawa ako ng soup, nakain ka na ba?" ngumiti siya at muling ngumiti hawak pa din ang kamay ko.

"Hindi pa."

"Pero nag inom ka?" medyo inis ko namang tanong sakaniya. Hindi siya sumagot at ngumiti. "Kumain ka muna bago ka matulog."

Binitawan na nya ang kamay ko at umupo na. Tumayo na ako para naman kumuha ng makakain niya. Tubig, soup, gamot.

Inilagay ko sa tray at inilagay sa kama niya.

"Bakit ka pala nag kasakit?"

"I don't know, maybe malamig na sa Canada at biglang uwi ko dito at mainit." paliwanag niya at umayos ng upo.

Napatango ako at tinignan ko siya, napunta ang tingin niya sa pagkain niya at sa akin.

"Don't tell me papakainin pa kita?"

"Agh ang sakit ng kamay ko, ano bang nangyayari?" paawa nyang sabi habang nakahawak sa kamay niya. "I can't move it."

"Oo na, oo na." kinuha ko ang kutsara at sinubuan siya.

Naubos naman niya at uminom na siya ng gamot, maya maya ay humiga na ulit siya sa kama. Huminga ako nang malalim at tumingin ulit sakaniya.

Hinugsan ko na ang pinag kainan niya.

"Okay na lahat, everything is good. Aalis na ako." paalam ko sakaniya akma akong tatayo pero kinuha niya ang braso ko ko ikinatigil ko.

"Please, stay longer." nag iwas ako ng tingin sakaniya, unti unti niyang binitawan ang braso ko.

"Fine, aalis ako kapag--" tumingin ako sa oras ng cellphone ko, four na ng hapon. "Kapag nakakain ka na ng dinner mo."

Mahina siyang tumawa at ipinatong ang kamay niya sa tyan niya. "Dapat pala palagi akong may sakit?"

"Mag pahinga ka na." ngumiti siya at tumango.

Pinikit niya ang mata niya at nakita ko naman ang kamay niya na unti unti lumalapit sa kamay ko. Nilayo ko ng konti ang kamay ko at patuloy ang kamay niya sa pag lapit. Nang sagad na ay minulat niya ang isa niyang mata para sumilip at napatakip siya ng mukha nang makita na alam ko ang ginagawa niya.

"Matulog ka na nga, dami pang kalandian nito." anas ko siya at tumigil na din siya sawakas.

Malapit na mag eight ng gabi kaya naman iniinit ko na ang niluto ko kanina, nag dagdag na din ako ng kanin para mas lalo bumilis ang pag galing nya.

Hinanda ko na din at sakto din ang pag gising niya. Wala na siya sa kama at nasa CR ata. Inilagay ko sa lamesa ang pagkain at inintay siya lumabas.

"You're still here?" tanong niya at tinignan ko siya.

"Diba sabi ko aalis ako after mo mag dinner."

"I didn't expect na mag s-stay ka talaga." kumain na siya at binagalan niya ang pagkain niya, pero nag intay ako ng payapa kahit alam ko naman kung bakit nya ginagawa yun.

Nang matapos siya at binigyan ko na siya ng gamot.

"Babalik ka ba dito bukas? For sure may lagnat pa ako." napaisip naman ako at inilagay ko ulit ang likod ng palad ko sakaniya at mukhang wala na ang init nya.

"Okay ka na."

"Ha? Hindi pa kaya."

"Okay ka na, ramdam ko." huminga siya nang malalim.

"Fine, ako na mag huhugas nung plato."

Pag tapos ay umalis na ako, hinatid niya ako sa parking lot at umalis na ako. Habang nag d-drive ay hindi ko mapigilan ang mapangiti, ang cute nya kasi matulog, parang katulad lang nung dati.

Mukhang masaya na naman ako ngayong linggo.

Kelan kami ulit mag kikita? Kailan ulit kami---no, hinahanap hanap ko na naman siya.

Pag ka uwi ko naman ay dumiretsyo na ulit ako sa kama ko. Nakakainis. Bumabalik na ulit yung kilig na nararamdaman ko, bumabalik na ulit ng masasayang pakiramdam na hinahanap hanap ko dati.

Gusto na kita ulit pero parang natatakot pa akong aminin ulit sakaniya, anong mali?
Hindi ko alam.

Kinabukasan nandito na kami ni Jiro sa may café at nasa office ko kaming dalawa, wala naman siya ginagawa dito nakahinga  lang ang nag ce-cellphone. Hindi na siya nag tanong kung bakit ako 10 na umuwi kagabi, at malaking pasasalamat yun dahil aasarin niya lang ako buong mag damag if ever malaman niya.

Huminga ako nang malalim at gusto ko kamustahin si Jaze pero nag dadalawang isip ako, siya na lang unang mag chat sakaniya.

Sino ba naman kasing mag lalasing alam nang may lagnat siya. Napairap ako sa mga naiisip ko ngayon.

May kumatok naman kaya sinensyasan ko si Jiro na buksan ang pinto.

Kumunot ang noo ko dahil ilang segundo siyang nakatayo at walang sinasabing kung ano.

"H-hi, Jiro. Where's Saena?"

Si Faye! Kaya naman pala, kailangan ko na iligtas si Jiro sa kahihiyan.

"Nandito lang." mahinahon niyang sabi at umalis sa pinto. Gusto ko na lang matawa dahil ngayon ko lang nakita si Jiro na sobrang pula ang tenga niya.

Parehas kaming marupok na dalawa, mukhang hindi pa din siya nakaka move on kay Faye ah. At ako, mahal ko pa din si Jaze, I mean, hindi naman ako tumigil na mahalin siya. Mahal na mahal ko siya.

Endless | Warmth 1 | Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon