CRUSH 2

147 2 0
                                    

Tinignan ko lang siya nung umupo siya sa tabi ko tapos tumingin na ulit ako sa blackboard. okaaay. Dedma ang peg. Hello, nakakahiya kaya kausapin ang isang taong hindi mo naman kaclose no! Lalo na yung taong mukhang pinagkakainteresahan mo pa. -.-

Waiiit. No, scratch that thing. Hindi 'pinagkakainteresahan' ah. What I mean is... Okaaay. Nevermind.

"Okay. Yan na ang magiging permanent seats niyo for this month. Walang lilipat ng seat. I remind you. Kapag lumipat kayo, nako. Face the consequence. Good bye, class." tapos lumabas na ng classroom yung adviser namin.

So dahil isa akong mabait na bata, hindi nga ako lumipat ng seat. Same with John and well.. Prince.

After nun, dumating na din kaagad ang next teacher namin. Math time na. Opo. Math. At ayoko nun. -.-

So discussion goes on. Blah blah blah.. Nakakatamad makinig. Tumingin ako sa right ko, at nakita kong nakikinig naman si Prince.

"Wow. Masipag pala ang bugok na 'to ah." sabi ko sa sarili ko.

Blah blah blah.. at ayun, nagseatwork na kami. Nasagutan ko naman siya, infairness. Haha. Nakinig naman ako no! Nainspire ako sa katabi ko e. Joke!

Tapos nung magchecheck na, nagexchange na kami ng filler namin. Yung akin na kay John, yung kay John na kay Prince, at yung kay Prince? Well, oo. Tama. Nasa akin nga. Siyempre. -.-

Nung chinecheckan ko yung sa kanya..

"Matalino pala si Prince. Wooow. Galing!" sabi ko ulit sa sarili ko. Perfect kasi yung sa kanya.

Tapos nung tapos na checkan.. binalik na namin sa isa't isa. 

Tinignan niya yung score ko tapos ayun, hihi. Kinausap niya ako. 

"Yes naman, nakikinig siya. Haha." sabi ni Prince sa akin.

"Heh. Ikaw din naman e. Nakaperfect ka nga e." sabi ko naman.

"Luul." tapos bumelat siya sa akin. Aww, cute. 

Nooooo. What's happening to me?! Anung cute ka diyan, Jei?! Tumigil ka nga!!

"Okay class, that's all for today. Good bye." tapos recess na namin. Pumunta na si Prince sa barkada niya, ako naman inayos ko muna yung gamit ko.

Oh gosh, Jei. What was that cute cute thingy?! Ugh. -.-

"Babe."

"Yo."

"Wala, ganyan ka na. Nakatabi mo lang si Prince, di mo na ako pinapansin." tapos umarte siya na nagtatampo.

"Eto talaga. Inentertain ko lang para maging komportable ako sa katabi ko. Ikaw e. Babe nga kita di ba?" tapos ningitian ko siya. Ayun, ngumiti na din siya.

Oh well, wala pa akong napagkwekwentuhan tungkol dito sa ngayon. Tska teka, bakit ko naman ikwekwento? EH parang nakatabi ko lang naman si Prince sa upuan? Aysoos. Wala namang dapat ishare tungkol dun kasi hindi naman importante, dibuuuh? Gulo mo po, Jei. -.-

Ah basta. Ganon yon. Period. Fast forward na ulit natin. 

So ganun nga, katabi ko siya, seatmate ko siya, kausap ko siya minsan, nakikisakay sa trip namin ni Babe, at kung ano ano pa. 

Kapag Math Time or kahit anong boring na subject, kumakain kami. Opo, kumakain po. Kay babait na bata eh no? Hahaha! May nagdadala kasi ng PIC-A. Eh ang laki kaya nun! So ayun, share share kami. Hahaha. Nag-uunahan pa nga kami ni Prince sa pagkuha e. And take note, siya ang pinakamadaming nakukuha sa ganyan. Galing dumiskarte ano? Galing eh. Galing talaga, forever. -.-

"Oy! Ang dami mo namang nakukuha, Prince!" sabi ko sa kanya.

"Luul. Gusto mo?"

"Oo. Pahingeee!" tapos akmang kukuha na ako, kaso sinubo na niya kaagad.

"Kuha ka doon. Hahaha." 

Tapos ayun, sinunod ko nga siya. At nung pagkuha ko na...

"Ay, sorry Jei. Ubos na e." sabi nung kaklase naming nagdala ng PIC-A.

"Okay lang no. Thank you." tapos humarap na ulit ako.

"Hahaha. Walang nakuha!" tapos binelatan niya ako.

"Damooot!" 

"Wag ka maingay. Ingay mo."

"Takaw mo."

"Luul!" tapos nambelat na naman siya.

Tapos ayun tumahimik na kami kasi baka marinig na kami talaga nung teacher namin. Eh ayon. Nasa harapan pa man din kami tapos kami pa yung ganung mag-usap. Hahaha. Tae talaga. Mapaparaan kasi mga katabi ko e. Well, kasama na din ako doon. Hahaha. 

Madalas naming nagagawa yung ganun nung mga time na yun. Tapos iba iba ang nagdadala. Basta ba mabait eh, ayun ang sponsor namin. Hahaha! Yung iba, nagaya na din sa amin. So, nagsisikainan na rin sila katulad namin. Sari-sariling kainan sa kanya kanyang grupo e. Hahaha. At sa hindi malaman-lamang dahilan e, hindi pa naman kami nahuhuli ng teacher. Galing eh no? 

Nung medyo tumatagal na kaming magkatabi ni Prince, parang nagiging komportable na ako sa kanya. Yun bang, nakakausap ko na siya na parang kaibigan ko lang. Unlike kasi nung una na, parang pormal or something na hindi ako sanay na way na kausapin ang isang tao. May sense ba yung sinabi ko? Anyway, so ganun nga. Napapadalas na din yung usapan namin at tawanan. Syempre hindi mawawala doon si Babe no. Alam mo naman yun, mahilig magdrama. Kaya hindi namin iniiwanan sa usapan yon at tawanan. Minsan nga siya yung nagsisimula ng usapan namin e.

So, natapos ang araw na ganun ganun lang. 

Ngayon, nasa kwarto ko ulit ako. At syempre, tulad ng nakagawian, bago ako matulog iniisip ko muna ang mga nangyari.

Naisip ko na, habang tumatagal, parang sumasaya ako. Alam mo yun? Yun bang, hindi katulad nung saya na nararamdaman ko kapag kausap ko sila Sammy at Babe. Parang... iba e. Hindi ko maexplain. Basta ganon. Hindi ko din alam kung bakit ganito.

Pakiramdam ko, magiging attach ako nito kay Prince. Hindi ko alam kung bakit. Basta... ewan! 

Hi Crush! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon