CRUSH 12

49 3 2
                                    

SEPTEMBER...

Ayun.. etong month na 'to ang preparation para sa nalalapit naming Intrams. Weeeee! Syempre kapag intrams na, wala ng masyadong gagawin na ikinasasaya naman ng madaming mga estudyante. Syempre, kasama din ako dun no! Hehehe! 

Ngayon ay HOMEROOM namin. Meaning.. 

MALALAMAN NA NAMIN ANG FAMILY NAMIIIIIN! 

Alam niyo yun, yung family ba. Ganito yun. Magcocounting kami ng 1-8. Then kung anong number ang matapat sayo, yun ang family number mo! Syempre sa dami namin sa classroom, may makakafamily din kami kaya nakakaexcite kasi may kasama ka na agad! Hindi lang ito para sa high school, pati rin ito sa elementary. Oh di ba? Ang saya! ^_______^

Pero dahil Third Year na kami. Huehuehue. Meron pang isang Family para sa amin at pati na rin sa Fourth Year. Yun ay ang... SPORT OFFICIALS family. Tenenen!

Pero iba naman ang concept nun. Hindi siya by counting kasi konti lang ang slots na pwede para doon. Kaya bunutan factor naman para doon! ^_______^

Mamaya-maya...

Kinausap ako ni Ellize..

"Tita!" tawag niya sa akin. Pamangkin naman ang tawag ko sa kanya. Huehue. 

"Bakit?"

"Sali tayo sa bunutan!" yaya niya sa akin.

"Eh.. parang ayoko."

"Bakit naman Tita?"

"Hmm. Wala lang. Hahaha."

"Dali na Tita! Subukan lang natiiin!" 

Napatingin ako kay Babe.. nakita ko na sinulat niya ang pangalan niya sa isang piraso ng papel. Mukhang sasali din ata siya. 

Tumingin naman ako kay Crush... asus. Parang walang balak maging Sport Official. Tss. Palibhasa 3rd Year Governor na nga naman siya. >.>

"Ano, Tita?"

"Hmm. Sige na nga."  tapos sinulat niya yung pangalan niya sa isang pirasong papel. At sinulat na din niya yung akin. Hehe. Bait ng pamangkin ko no? Huehue.

Try lang natin kung anong mangyayari. Hehehe. Sayang din naman di ba? Balita ko maganda daw ang shirt ng mga Sport Officials tska may kasama pang parang I.D. ^____^

Ayan.. shinashake na ni Miss yung mga nakatiklop na mga pirasong papel..

DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.

"Okay.. Aira is the first one."

"YEEES!" sabi naman ni Aira dahil sa tuwa.

"Next is Jec." 

"YOOON!"  sabi naman ni Jec.

"Next one is Ellize!"

"Yun. Hahaha." sabi naman ni Ellize.

"Naks. Congrats pamangkin!" sabi ko sa kanya.

"Nako Tita.. sana ikaw rin!" 

"Haha. Okay lang naman kung hindi eh."  nakangiti kong sabi. Pero may kalahati sa akin na nagsasabi, "Sana makasama ako!" XD

"Next is... Mae!" 

"Kaw na Mae!" sabi naman nung bestfriend ni Mae. 

Hi Crush! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon