CRUSH 9

49 1 0
                                    

Yeheeeeeey. It's another day! ^____^

Di ko alam kung bakit pero parang ang saya ko ngayon. Alam mo yun? Yung ang hyper hyper ko tapos naka all smile ako. Yun yun eh. LOOOOL.

Nakarating ako sa upuan ko ng nakangiti na pinagtaka naman ng katabi ko..

"Nakangiti ka diyan?" 

"Masama ba Babe?" *pout*

"Hindi naman. Nakakatakot lang. Hehe."  Tapos tumayo siya sa upuan niya at lumayo sa akin. 

"H-HOY! HINDI NAMAN AHHH!" 

Kapag sinabi kong lumayo, ibig sabihin, yung mabilis talaga! Ayos din instinct nitong babe ko eh. Hindi lang yon! Tinakpan pa talaga ng kamay niya ang tenga niya. Weleng heye nemen eh. >.>

Hmmm... Ano naman kaya gagawin ko sa umagang ito? Makipagchismisan? Makipagdaldalan? Teka... iisa lang ibig sabihin nun ah! Iba lang ng spelling. >.>

Oh well papel, magseseryoso na ako. (weh?) Oo talaga. (wag ka maniwala)

Nandito pa rin ako sa upuan ko. Napagdesisyunan ko na lang na magsulat ng kung ano ano sa notebook ko. Ganyan talaga kapag bored. -.-

"Bye bye na Gelli! Anne! Bye bye."

"Kasi naman eh, bakit ba kasi kailangan pa nun? Pwede namang permanent na lang eh. Asar naman."

"Ganun daw talaga eh. Rules yan sa bahay natin lol."

"WAAAHHHH. Ayoko pa kayong iwaaaaan! >.<"

"Brace yourself Ellize, ganyan talaga."

"Tsk."

"Mamimiss ko kayooooo."

"Ikaw riiiin!"

BLAH BLAH BLAH. Ano naman kaya ang mangyayari dun? Bakit kaya sila nagpapaalaman? You know, bye bye thingy. 

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanila. Baka sabihin nila chismosa ako eh. Though may pagka naman. Mehehe. >.>

Btw, nasa likod ko nga pala sila. At hanggang ngayon eh iniisip ko pa rin yun. Aalis kaya si Ellize? Hmmm.

Natigil yung pag-iisip ko nung may umupo na sa kaliwa ko.

"Oh Crush, nandyan ka na pala."

"Hmmm. Anong ginagawa mo?"  sabay tingin doon sa notebook na pinagsusulatan ko na agad ko namang sinarado kasi baka makita pa niya yung sinusulat ko. Nakakahiya. >.>

"Wa-wala lang 'to. Doon ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya.

"Ano na nga kasi yan?"

"Wala ngaaa!"

"Patingin daliii." tapos sinusubukan niyang kunin sa akin yung notebook.

"Wag kasi! Napaka mooo."

"Di ko naman kasi pagsasabi eh!"

"Pagsasabi ka diyan?! Tumigil ka nga!"

"Bahala ka nga diyan."  Tapos umalis na siya. Loool.

Nung nakalayo na siya, binuksan ko na yung notebook ko.

Nagdodoodle lang naman ako. Nagsusulat ng kung anu-anong nasa isip ko. Bored eh.

Nung binabasa ko na yung mga sinulat ko. May napansin ako na pinagtaka ko naman..

Bakit may pangalang nakasulat dito ni Prince?

<><><><><><><><><><><><><><><>

And the same cycle goes on. 

HOMEROOM...

"Andyan na si Miss!"  Sigaw nung isa kong kaklase.

"Bakit ba naman kasi kailangan pa magseating arrangement ulit?"

"Oo nga eh. Masaya na 'ko dito sa upuan ko e." 

Narinig kong usapan nung kaklase ko nung papasok na si Miss.

"Good Afternoon Class."

"Good Afternoon, Miss."

"Okay. Seat down first."  At umupo naman kami.

Kahit na nakaupo kami, maririnig mo pa rin ang malakas na usapan ng mga kaklase ko. Kesyo bakit daw kailangan pa ng ganito ganyan na hindi ko naman maintindihan noon.

"Since last week na ng July ngayon..."

"MISS WAG NA!" Protesta ng kaklase ko.

"Oo nga Miss, masaya na kami sa seats namin e!" Sinabi ng kaklase ko na sinang-ayunan naman ng marami. Or let's say, lahat.

"Ano ba yung sinasabi nila?" Tanong ko.

"Baliw ka ba? Seating Arrangement na ulit." Sagot naman ni Crush.

Parang... nabingi ako sa sinabi niya. Seating Arrangement? Sheez. Last week na nga pala ng July! Aish! 

Kaya pala nagbababye na sila sa isa't isa. Kaya pala nag-ingay na nung dumating si Miss. Kaya pala... simula pa lang ng umaga ko, may nararamdaman na akong mali. 

Kaya pala, naka-all smile ako kasi... kabaligtaran ang mangyayari? 

"Babe, natulala ka diyan?" 

"Seating Arrangement..."

"Ah oo nga eh. Bagong seatmate na naman." 

Kung kailang masaya na ako, tska naman mawawala...

"Ginagawa natin 'to para makilala niyo lahat ng kaklase niyo. Okay? Para lahat friends hindi yung itong group lang na 'to o yung group na yan. Di ba mas maganda kung lahat kayo friends?" Sabi nung adviser namin.

"Pero Miss.."  Kanya kanyang sabi ng mga kaklase ko.

"Okay lang yan. So let's start?" 

Yung sinabi ba ni Miss, hudyat na ba yun na.. magsisimula na ring manghinayang ang puso ko?

<><><><><><><><><><>

Dear Diary, 

Bakit ganun? Bakit parang.. ang weird ng puso ko ngayon? Parang ang lungkot lungkot? Alam mo ba yun? Yung feeling na kaninang all-smile ko ay naging all-frown na. Teka, may ganun ba? Weird ko talaga ngayon. Tss. >.>

Nagsimula 'to nung nagseating arrangement kami. Oo, Seating Arrangement nga. Tsk. Kung kailang masaya na ako kasi katabi ko si Prince, tska naman mawawa---

TEKA, ANO BA 'TONG SINASABI KO?! 

Okay lang naman yun di ba? Ano ba Jei! Crush kuno mo lang yun! Bakit... bakit ganyan ka magreact?

Si Jared naman ang gusto ko, di ba? Oo, siya talaga. Hindi naman si Prince eh. Hindi naman totoo ang pagkakacrush ko sa kanya, di ba?

Pero bakit... bakit iba ang sinasabi ng utak ko sa ginagawa ng puso ko? 

Hindi ko rin alam kung bakit nararamdaman ko 'to ngayon. Sheez. Ang gulo ko naman. Ang gulo na nga ng isip ko, pati na rin ba ng puso ko?

Prince, ano ka ba talaga sa buhay ko?

Hi Crush! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon