CRUSH 3

94 3 0
                                    

Eto at naghahanda na muli ako sa pagpasok ko sa school. Haaay. Ayoko ng pumasooook. Nakakatamaaaaad. Lol. Pero syempre joke lang 'yon! Ikaw ba tatamarin ka kung may katabi kang gwapo sa classroom niyo?

SAY WHAT JEI?! Gwapo?! 

Teka, Did I really say that? Yuuuuck. Just... ew! Kulang lang ako sa tulog neto kaya ganon. -.-

Tska may mahal na ako no! 

Oo. Meron. Si Jared yon. Ahihihi!~ ♥

"tama. Si Jared nga ang mahal ko. Yun nga. Kaya di ako magkakagusto sa iba. Arasso?" sabi ko sa sarili ko.

Sa school..

"Baaaabeeeee!" salubong sa akin ni John.

"Good Morning! ^____^" sabi ko naman.

Konti pa lang ang tao sa classroom. Medyo maaga din kasi kami. Kaya ayun. Tutal, halos kasisimula lang naman ng klase at second month pa lang naman, nagliwaliw muna ako. Hihihi!

Nung medyo malapit na magbell, bumalik na ulit ako sa room. 

"Huh? Wala pa rin?" Sabi ko sa sarili ko. Nang bigla kong maalala...

Bakit ko nga ba hinihintay na dumating yun?! Ano namang paki ko kung pumasok siya o hindi?! Gooosh, Jei! Napaparanoid ka na! Ano baaaa!!!!! 

"Uh.. Babe?"

"Hmmm?"

"Okay ka lang?"

"Ah. Yeah. Bakit?"

"Di kasi maipinta yung mukha mo eh. Pfft. Hahaha."

"Psh." -.-

*KRING KRIIING...*

Ayon at nagbell na. Meaning, start na ng Flag Ceremony. At pipila kami ngayon sa labas.

Palabas na ako ng room kasama si Babe.

Nung nakita ko siya na parating sa classroom.

Hindi ko alam pero,

napatingin ako nung paakyat siya papuntang classroom. 

TAE. Ano bang nangyayari sa akin?! - Sabi ko sa sarili ko.

"Nababaliw na ata ako."  Tsk!

Nung natapos na ang Flag Ceremony, nagsibalikan na sa kani-kanilang mga silid-aralan.

And the day goes on na ganun ganun lang. Blah blah blah.

Nung one time, wala kaming subject teacher.. napag-usapan namin ang *ehem* Love life ng isa't isa. At sa akin natutok yun. -.-

"Kamusta na kayo ni Jared, Jei?" Tanong sa akin ni John.

"Okay lang. Di ko na nga nakakausap eh."

"Bakit naman?"

"Eh di na kami nagkakatextan e."

"Sino ba yun?" Tanong ni... Prince.

"Ah. Crush ni Jei, si Jared. Baliw na baliw nga yun dun e." 

"O-oy! H-hindi ah!"

"Wuuu. Eh bakit hanggang ngayon crush mo pa din siya?"

"Eh... ganun eh."

"Jared? Sinong Jared ba? Third Year?" Tanong ulit nitong si Prince.

"hindi. Fourth Year." sabi ni John kay Prince.

"Wala na siya dito. Lumipat na siya ng school." sabi ko naman.

"Ahh.." sabi na lang ni Prince.

Well, ganun talaga kung di niya kilala si Jared. pero naman! Sa gwapo ni Jared na yun, hindi siya makikilala?! Like hello?! 

Pero sa bagay, lalaki nga naman si Prince. Ano namang paki niya dun di ba? Sa babae siya interested, hindi sa lalaki. -.-

Eh pero bakit si John, kilala? 

Hindi kaya...

Kasi kilala lang niya. Oo, ganun nga. Kayo ah! Kung ano ano iniisip niyong masama sa Babe ko! Sapatusin ko kayo e! -.-

Hi Crush! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon