PROLOGUE

479 7 3
                                    

Isa akong simpleng babae. Hindi popular pero madaming kaibigan. Hindi panget at hindi rin maganda, katamtaman lang ang itsura ko. Simpleng buhay lang ang meron ako. Hanggang sa dumating sa puntong...

namulat ako sa mundo ng pag-ibig.

 

 

 

Siguro ito na nga ang tinatawag nilang LOVE. Yung tipong sumasaya ka na kapag nakikita mo siya, parang may kung anong nararamdaman ka sa tiyan mo kapag ngumingiti siya at ang tibok ng puso mo ay parang may tumatakbong kabayo sa bilis. DUG DUG.

 

 

 

Yan ang nararamdaman ko ngayon.

Sino nga ba mag-aakalang magsisimula ito sa simpleng biro ko lang?

Tama nga sila, expect the unexpected and jokes are half-meant. Oh gosh. Sana noon pa lang naniwala na ako. Tsk.

Mayabang, palaasar, magulo. Yan ang first impression ko sa kanya. Naglaho ang lahat ng iyan noong nakilala ko pa siya ng lubusan.

Ewan. Siguro ganun talaga ang pag-ibig. Hindi mo alam kung kailan at kung kanino ka tatamaan ng pana ni kupido. Sana man lang kasi may warning o time out man lang para makapaghanda ka muna. Pero mas okay na din yung ganun. Yung mabibigla ka na lang na isang araw, may gusto ka na pala sa kanya. 

Yun nga lang, may consequences. May hardships. May trials before you have that 'true love'

Napaisip pa nga ako eh na bakit siya pa? Bakit hindi na lang iba? Etong bugok pa na 'to? Naman. Pero....

 

 

 

Hindi ko na itatanggi na nagkagusto na nga ako sa isang tao.

 

 

Na nagkagusto ako sa isang tulad niya.

 

 

Na nagustuhan ko ang isang Prince Valderama.

 

 

Ang dahilan? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, masaya ako kapag nakikita ko siya.

 

 

At yung hirap sa pagmamahal sa bugok na yan? Titiisin ko lahat ng yan hanggang makakaya ko. Gusto ko lang maiparamdam sa kanya na sa panahon na nalulungkot siya, nandito ako para pasayahin siya. Sa panahon ng kahirapan niya, nandito ako para tulungan siya. At sa panahon na kailangan niya ng kaibigan, nandito ako para magsilbing adviser niya sa lahat ng bagay.

 

 

Oo, palagi akong nasa tabi niya, yun nga lang, hindi niya alam.

 

 

Palagi akong nandito para tulungan siya, kung kinakailangan niya.

 

 

He may not see me the way I see him right now, I know that even a little bit, I have this tiny space in his heart. Even if we are just friends, I'm still thankful because I got the chance to meet someone special like him in my life.

 

 

Who knows? Malay mo kami na pala sa dulo ng storya na 'to. ;) 

________________________________________

 

This is not a pure non-fiction story. There are some scenes that are just based on my imaginations only. It's up to you to decide which is which. But I tell you, most scenes are true. LOOOL. Anyway, I just write this to have memories to remember. The names of the characters are not real though. 

I just wish that the real people behind this story will not see this. HAHAHAHA. I'm shy. Lol. But if you do, then hey! Just a secret okay? 

For the real person behind the character of Prince Valderama, peace tayo! HAHAHAHAHA. Wag mo 'tong babasahin. Chupi! Pero sana talaga wag mo 'tong mabasa. Di ko alam ang mukhang ipapakita ko sa'yo. Joke! Bow. 

Have fun reading! ^_______^

(c) RainbowSky

2013 <3

Hi Crush! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon