CHAPTER 1

659 14 0
                                    


"Nika Vera!!!!!!!!!!!!!" sigaw nito na halos magpabingi sa aking tenga at magpabasag sa mga kasangkapan ng mansyon.

Dali-dali akong umakyat sa ikalawang palapag at padabog na naglakad papalapit sa kanya. Busy pa naman akong naglalaro sa cellphone ko sa may gazebo sa hardin.

The nerve!

Galit na naman sya!

Whatever!

Duh!

Hinanap ko kung nasaan naroroon ang may-ari ng boses.

"What the "F" do you want kuya?" I rolled my eyes when I saw him inside my own room! As in my room! This is mine alone, wala siyang dahilan para magpunta sa kwarto ko! This room is my private place!

"Don't dare use that "F" fvcking word on me Vera!" saad ng kuya, kita kong nagsisilitawan na ang mga ugat niya sa leeg.

"Duh, you just completed the "F'' word kuya!" I rolled my eyes.

Nakita kong pinagsalikop niya ang kaniyang mga braso. Tuloy tuloy lang ako pumasok sa kwarto at umupo sa kama. Hinihintay ko ang kuya kung ano na naman ba ang kailangan niya sa akin.

Minsan na lang nga siyang uuwi rito sa bahay, nagsusungit pa!

Muli ay nakipaglaban ako ng titigan sa kanya, nakita kong nagluwag na ang kaniyang dibdib kaysa kanina na parang lalabas sa katawan niya si Hulk!

Nananatili pa ring nakataas ang aking panga na akala mo ay naghihintay na makipagsabunutan sa kuya ko. Nakita kong naging malamlam na at masuyo na akong sinulyapan ni Kuya Neith.

"Tell me the truth Vera, maiintindihan naman kita. I promise." Seryoso na ang tono ng boses ni kuya Neith.

What is he implying? I sigh and calm myself.

May problema yata ang kuya. Minsan na nga lang kami magkita eh susungitan ko pa ba siya?

"Ano bang gusto mong malaman kuya?" malumanay kong tanong.

Again, before he speaks, malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan niya sa kaniyang dibdib.

"Are you a Tomboy Vera?" seryoso ang kaniyang mukha, pati ang kaniyang mga mata ay walang bahid na biro na makikita ruon.

Napanganga ako sa kabiglaan. Saglit na nangunot ang aking noo bago ako humalakhak ng malakas.

Halos mahiga ako sa sarili kong kama sa kakapiksi ng sariling katawan dahil sa katatawa.

Nauubo ubo pa nga ako. Hindi naman joker ang kuya pero grabe yung biro niyang yun huh!

Saglit kong inayos ang aking sarili at muling umupo, may maliit pang tawa at hingal na maririnig mula sa akin. Pati ang buhok ko ay nawala na sa ayos.

"Done?" masungit niyang turan, kanina pa kasi siya mukhang tanga na nakatayo at pinanunuod lang ako.

"Hindi ka naman kalbo bakit nagpapatawa ka?" natatawang turan ko habang sinusuklay suklay ang sariling buhok gamit ang aking mga daliri.

"If you're not a T-bird, then tell me, do you have a boyfriend?" madilim at mabalasik na ang itsura ng kuya, kapag ganito na ang awrahan niya ay hindi na ako mapakali. I know him well. Kaya niyang gawin ang lahat lalo't kapag galit na galit siya. Ayokong makita ang side na ito ng kuya.

"Wala akong boyfriend kuya." Kanda utal kong sambit.

Nakita ko na nakapaskil sa kaniyang mukha na hindi siya naniniwala sa aking sinabi.

Men in Uniform (MIU Series 3) Juan Nero LozvoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon