CHAPTER 6

358 12 0
                                    


"Love, look at us here, bagay tayo oh." Sabay abot sa akin ng mga copy ng pictures namin kanina sa program ng pagsalo ng bouquet at garter.

Lahat kami ay naririto pa rin sa venue habang hinihintay sina kuya na nagpalit lang muna ng damit para maihatid na sila sa Singapore for their honeymoon.

Saglit kong sinipat ang mga larawan namin ni Kuya Kade.

"Parang hindi naman, mas mukha tayong mag tiyuhin eh." Pamaldita kong angil.

I heard Luna's laugh so loud. Ang saya saya talaga niya kapag naaapi ang bestfriend niyang si Kaede.

"Ouch that hurts." Madamdamin pa nitong hinaplos haplos ang kaniyang dibdib.

"Hmm, ikaw ang tita ko at ako ang pamangkin?" birada pa nito sa akin.

Binelatan ko na lang siya bilang ganti.

"Where's Nero?" Luna's inquire.

"Nakita ko ate na kanina pa sila umalis ni Ate Sam." Malumanay namang sagot ni Lira. At mukhang tanga namang nakikinig si Kaede.

"Halatang may pinag-awayan yung dalawa kaya siguro umalis na lang agad." Dagdag naman ni Altis.

Pinagtengang kawali ko na lang ang topic nila na yun at kunway inisa-isa ang mga larawang hawak. Ayoko namang magpakita ng naapektuhan ako kapag may bumabanggit sa pangalan ni Nero.

Ang tagal naman nina kuya, pinag iisipan ko pa kung sasama ako sa paghatid sa kanila sa Singapore.

Suddenly we heard a loud bang, its like a vehicle that crash or bump.

"Oh my God! What was that?" nahihintakutan kong saad.

Nakita kong naging alerto silang lahat. Sabay sabay pang nagbunutan ng mga baril na nakasukbit sa kanilang mga baywang at rinig ko ang maliliksing pagkasa nila rito. Pati si Luna ay alerto ring nakipagsabayan sa mga kasama.

Mabilis nila kaming pinayuko.

"Pumwesto ka lang sa may likuran ko, I'll cover you." Nagmamadaling utos ni Kaede sa akin.

"Monteclaro, si Lira!" sigaw ulit ni Kaede, napatango lang si Altis at inalalayan rin si Lira.

Kung hindi lang nakakakaba ang sandaling ito ay mangingiti ako sa tuwa, ang sweet kasi ni Kaede. Kung nasa malapit lang siguro si Lira sa kaniya kanina ay madali lang niya itong takbuhin at aalalayang huwag masaktan.

Mabuti na lamang at halos lahat ng bisita ay nagsiuwian na, pati ang mga lolo ay wala na rin rito sa venue.

Maliksing nakagawa ng paraan si Monti upang masilip ang lugar kung saan nanggaling ang malakas na tunog.

"Tangina lang!" sigaw ni Monti nang makita sa may labasan kung ano ang maingay na bagay na aming narinig.

Nakita ko pang iiling iling siya at sabay na inayos ang baril at isinukbit muli sa kaniyang baywang.

Sa ginawang iyon ni Monti ay unti-unti kaming narelax. Inayos ang aming mga sarili bago lumapit sa pinanggalingan ng ingay.

"Putangina naman Nero!" Kaede roar like a lion!

Nero's Lamborghini's Adventador S bumps into Kaede's Audi R8!



------------------------------


Mabilis ang kilos nina Altis at Monti na inalalayan si Nero palabas ng sasakyan. Mabuti naman at hindi siya napaano sa harap ng manibela, Salamat sa airbags at high tech features ng sasakyan.

Men in Uniform (MIU Series 3) Juan Nero LozvoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon