CHAPTER 3

362 13 1
                                    


"Have you heard about the latest news today?" one of our classmates' murmur pero mas lamang na sigaw na iyon, naririnig kasi naming lahat.

"Ano ba yun?" sabay sabay na tanong ng ibang kaklase namin.

"You knew Samantha Rivas right?" pabitin pa niyang usal

Tumango tango ang iba, yeah, I knew that girl too, she's kinda flirty and for me a man hunter. Parang kahit saan sya magpunta dapat yung attention ng mga kalalakihan ay sa kaniya lang, literal na attention seeker at maldita ring gaya ko. She is beautiful and very finesse, masasalamin na mula rin siya sa mayamang angkan. Pero maraming nagsasabi na maldita na nga sya ay pagka-sama sama pa ng ugali.

Maraming ayaw na makasama ang isang iyon dahil marami-rami rin nagsasabi na kapag napagtripan ka niya ay hindi siya titigil hanggat hindi sya satisfied na pahirapan ka.

I sigh, another rich kid with an attitude.

"Ayun na nga, someone saw her with this guy." Lalo pang nabitin ang mga nakikinig sa kwento niya.

She looks happy na ang mga tenga ng mga kaklase ko ay all in her.

"At heto pa, yung guy na kasama niya ay ang long time child sweetheart niya, and this time they are officially together." Dagdag impormasyon pa nito.

Nakita kong nangunot na rin ang noo ni Lira, kahit kasi ayaw nitong makinig sa tsismisan ng mga kaklase namin ay maririnig mo pa rin sa loob ng silid-aralan.

"As in, mag boyfriend-girlfriend na sila." Saad pa nito

"Ay sayang naman." Rinig kong bulong ng ibang mga kaklase kong lalaki. I rolled my eyes. Laki ng agwat ng tanda nun sa edad namin duh!

"Who's that guy ba?" ask the other girls.

"Well hindi kayo makakapaniwala!" pambibitin nitong muli. Kahit ako ay nais ko nang sabunutan ang gaga, ang tagal magkwento. Sa lahat pa naman ng ayaw ko eh yung maghintay sa dapat sabihin ng direkta.

"Well, the guy is no other than Mr. Nice Guy! Juan Nero Lozvoi!" she exclaimed and all the girls were shock, yung iba pa nga ay nagtitili, maraming nadismaya, maraming nanlumo.

I saw Lira quickly look at me. I knew she saw the hurt in my eyes.
----------------------------

"Vera?" nag aalalang tawag ni Lira sa akin.

"Not now Lira, I need to go." Malumanay kong tugon.

"Okay.... Call me when you're already home ha?" hindi pa rin siya mapakali. Kita ko ang mga mata niya na nais nang maiyak, naiiyak ba siya para sa akin?

"I'm okay Lira." I smiled kahit pilit lang.

I bid my goodbye and went inside kuya's car.

Another pagpapanggap na naman, hindi pupwedeng makita ako ng kuya na mukhang defeated, mukhang naiiyak at mukhang kaawa-awa.

"Tired love?" he asks

Nagkibit balikat na lamang ako.

"I'll treat you dear sister, wherever you want, c'mon." Halata ang kuya na nag-eexert ng effort. Kahit gusto kong umuwi at magmukmok ay pinilit ko na lang ang aking sarili na pagbigyan si kuya. Christmas break kaya nabigyan sila ng bakasyon sa academy. Ito lang ang time na magkakasama kami ng matagal, palalagpasin ko pa ba.

Kanina ang last day namin sa school at vacation break na rin, after ng new year ay dun ulit kami magkikita kita ng mga kaklase ko, ito rin ang pinakamasakit na araw para sa akin.

Men in Uniform (MIU Series 3) Juan Nero LozvoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon