CHAPTER 4

372 12 0
                                    


"What happened?!" Gimbal kong saad habang buhat-buhat nina Nero at Kaede si kuya sa magkabilang balikat nito.

"Eh di lasing na naman." Nailing iling na sagot ni Kaede habang marahang isinalya ang katawan ni kuya sa mahabang sofa.

Naka abresyete ang aking mga kamay! Hinarap ko ang kuya, ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito, I sigh and look at the two men still staring at their friend.

"Itago ninyo na lang ang kuya, he's helpless, he doesn't deserve this." Malumanay kong hiling sa dalawa. Nakita kong nagtama ang mga mata nila bago muli akong sinulyapan.

Ginulo ni Kaede ang aking buhok "Mapapatay niya kami kapag sinunod ka namin." Matamis na ang ngiti niya sa akin. "Para rin kasi sa iyo ito." He added.

I gaze at him with a questioning look. He winks at me kaya inirapan ko siya ng matalim.

"Sungit." Natatawa pa niyang bulong pero sinadya naman iparinig sa akin.

Napahalukipkip na lang ako at masama pa rin ang pagkakatitig kay Kaede.

"Ahmmm, Love, samahan mo na kami sa kwarto ng kuya mo." Nero interrupts us.

Tumango na lamang ako at iginiya sila kung saan naroroon ang silid tulugan ng kuya.

Ilang gabi nang umuuwi, No, let me rephrase my words, Ilang gabi na ring inuuwi ng mga kaibigan niya na lagging na lasing ang kuya. Magbuhat nang ipaalam sa lahat ng mga kakilala nina Lolo Jandro at Lolo Nick ang engagement ng kuya at ng apo ni Lolo Jandro ay hindi ko na makausap ng matino si kuya Neith.

I sigh, pwede naman kasing tumanggi ang kuya. Hindi naman niya kailangang lunukin ang pananakot ng lolo. May napatunayan na siya pagdating sa pagpapalakad ng negosyo, at maganda ang future ni kuya dahil opisyal na ang rangko niya sa military. Bakit niya papasukin ang pag-aasawa at makikisama sa taong hindi man lang niya mahal?

Nakita kong inayos ng dalawa ang paghiga ni kuya sa kama. Mabilis akong nagpunta sa kusina at nanguha ng pambanyos.

Dala-dala ko ang palanggana na lulan ay maligamgam na tubig at bimpo nang makita ko si Nero na mabilis akong inalalayan, kinuha na sa akin ang hawak hawak.

"Ako na." he murmurs, I nod at him. Sabay kaming pumasok sa loob ng silid habang bumaba na sa may sala si Kaede. Para tuloy kaming mag-asawa ni Nero na pilit inaalagaan at inaasikaso ang aming anak.

Luh! Advance lang kung mag-isip?

Pinanguha ko ng damit pamalit si kuya sa kanyang closet.

I started to unbutton kuya's polo shirt nang pigilan ako ni Nero. Nagulantang ako dahil hawak hawak niya ang aking mga kamay.

Heart, be still and stop beating so fast.

"Ako na Love." Matiim ang titig niya sa akin.

"It's okay, kuya ko naman siya." I insist.

"No Love, babae ka pa rin." Mariin niyang saad. Tinaasan ko siya ng kanang kilay ngunit tila balewala lang sa kaniya ang pagmamaldita ko.

"Get out of this room now Vera." He demanded, he used a dangerous tone for me to obey him in an instant. Alam kong galit siya kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko and not the usual "Love", his endearment to me.

Binitiwan na niya ang aking mga kamay at wala na akong nagawa kung hindi sundin ang kaniyang utos, sinulyapan ko pa muna sila ni kuya bago ko isinara ang pinto.

Pasimple kong hinawakan ang parte kung nasaan ang aking puso, hanggang ngayon kasi ay malakas pa rin ang tibok nito. Malakas ang pagbuga ko ng buntong hininga, hinanap ko si Kaede sa sala.

Men in Uniform (MIU Series 3) Juan Nero LozvoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon