01

39 1 1
                                    

VAMPIRES? Witches? Wolves? And other mythical creatures?

Madaming napapaisip sa panahon ngayon kung totoo ba talagang nag-eexist ang mga nilalang na ito o kathang-isip lamang ng mga taong malilikot ang utak. Pero ang lingid sa kaalaman ng mga tao ngayon, mapayapang nakikihalubilo ang mga tao noon sa mga nilalang na ito na nakatira sa mundong ilalim.

Ilang libong taon na ang nakakaraan nang malaya pang nakakalabas-masok sa mundong ibabaw ang mga nilalang na ngayon ay nababasa na lamang natin sa mga libro at panakot sa mga bata.

Hanggang sa lumabas ang totoong kulay ng prinsipeng bampira na sunod na mamumuno sa mundong ilalim. Bago siya koronahan bilang susunod na hari, ipinakita niya sa lahat ang matalas na pangil at mga kuko ng pinaka malakas na nilalang sa dalawang mundong iyon. Nawindang ang lahat sa nangyari at doon lamang nila naramdaman sa unang pagkakataon ang nakakatakot na prisensya ng isang bampirang may dugong royal. Walang awang pinaslang ng prinsipe ang sino o ano mang nilalang na nasa harapan niya.

Mga naging kaibigan man niya o kakilala ay walang pinili ang matutulis niyang kukong ginigilitan ang leeg ng mga pumipigil sa kanya. Hindi niya lang basta ginigilitan sa leeg ang biktima, iniinom niya rin ang dugo ng mga ito. Kahit dugo ng mga ka-uri niyang bampira, na para ba siyang isang uhaw na hayop na ilang taon ng takam na gawin iyon.

Kokoronahan na ang prinsipeng si Leech Chupacabra na may tanging dugong royal sa lahat ng bampira. Iba't ibang pangkat ang naroon nang mga oras na iyon. Mga kapwa bampira, lobo, mangkukulam at iba pang nilalang na nakatira sa mundong ilalim. Maging ang gobyerno ng mga tao sa mundong ibabaw ay dumayo rin. Pero hindi nila inaasahan ang pagpaslang ni Leech sa lahat ng nilalang sa pagtitipon na iyon.

Tumagal ng kalahating oras ang pagpaslang ni Leech. Naliligo na siya sa dugo ng kanyang mga biktima, nakaawang ang bibig niya na may tumutulo pang dugo na hindi na niya malunok dahil sa punong bunganga. Kahit mga magulang niya ay kanyang pinaslang. Halos maubos ang uri ng mga bampira at lobo na patuloy pinipigilan ang nagwawalang si Leech. Habang ang isang pangkat ng mga mangkukulam na Black Annis na dumalo sa pagtitipon at sinubukan ring pigilan si Leech ay namatay na lahat, maliban sa namumuno rito na miserableng pinapanood isa-isang nalalagutan ng hininga ang mga ka-uri.

Sa galit, binigkas ng pinuno ang mga hindi maintindihang salita habang patuloy na tumutulo ang itim na luha sa mata. Inipon niya ang lahat ng sama ng loob niya at inihulma ito bilang isang sumpa kay Leech.

Pagkakuwa'y binigkas ng Black Annis ang mga sumusunod na kataga, "INIHAHATOL KO SA IYO ANG SUMPA NA ITO. IKAW NA ISANG MALAKAS AT TINITINGALA NG LAHAT NG NILALANG, ANG URI MONG NABUBUHAY SA PAG INOM NG DUGO! IKAW NA BAMPIRANG PATI SARILING KALAHI AY PINASLANG, HINDI KA NA MULING MAAARING UMINOM NG DUGO AT SA ORAS NA LUNURIN MO ULIT ANG IYONG SARILI SA DUGO NG KAHIT ANONG NILALANG NA NABUBUHAY SA MUNDONG ITO, MANGHIHINA KA AT MARARAMDAMAN MO ANG SAKIT KUNG PAANO MO PASLANGIN ANG MGA NAGING BIKTIMA MO RITO. HINDI KA MAMAMATAY, AT HABANG BUHAY MONG MARARAMDAMAN ANG PAGDURUSA. . ."

". . . at magmula noo'y hindi na muling nakatapak sa mundong ilalim si Leech Chupacabra na mas kinilala bilang 'The Bloodsucker' at kinatakutan ng lahat sa dalawang mundo." Isinara ko ang librong nasa aking hita. Iniikot ko ang inuupuang swivel chair, ipinatong ang aking siko sa lamesa saka humalumbaba.

Tiningnan ko ang lalaking nakatayo sa aking harapan, maayos ang tindig niya at wala kang makikitang dumi o kahit gusot sa kasuotan nito. Isama na pati ang buhok nitong maayos na nakataas.

"Care to explain what this bullshit is, Lamprey?" Itinaas ko ang librong kanina ay malakas kong binabasa ang nilalaman.

"Iyan ang bagong libro ng kasaysayan na kumakalat sa mga library sa mundong ibabaw at ilalim---"

Thirsty [bxb]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon