THEY say your life flashes before your eyes right before you die so you can make peace with your entire life in those few, brief seconds.
Does that mean Mama and Papa also reflected back on their lives? Is that why they could leave without any regrets? Couldn't they see me as the one thing that would hold them back?
Back then, I'm just three years old nang masaksihan ko kung paano patayin ng aking magulang ang isa't isa. Nagsimula 'yon nang aksidente kong masugatan ang sarili habang naglalaro kami ni Papa sa may sala. Nagsimulang maging itim ang puti sa mata niya. Pati na ang itim na bilog sa mata niya ay nagbago ng kulay, naging pula ito at may mga ugat na lumalabas sa mukha niya. Sa isang iglap, nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking leeg. May tumagos na matulis na bagay sa balat ko sa leeg. Masakit. Parang pinupunit ang leeg ko sa sakit kaya naman ay agad akong pumalahaw ng iyak.
At sa pag-iyak kong iyon ay lumayo sa akin si Papa. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Noong mga oras na 'yon naisip ko na hindi siya ang Papa na kilala ko. Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa aking leeg kaya nagpatuloy akong umiyak ng malakas hanggang sa natawag ng pag-iyak ko ang pansin ni Mama sa may kusina.
"Mama. . . a-atakit leeg. . . a-ato Mama!" tawag ko sa kanya na mas lalo pang lumalakas ang pag-iyak. Tumalikod si Mama pabalik sa loob ng kusina at paglabas ay may dala na itong cleaver knife. Tandang tanda ko pa ang panginginig ni Mama noon habang papalapit sa amin at pagkatapos ay si Mama naman ang sinunggaban ni Papa.
Hindi ko makilala ang dalawang nilalang na nasa harapan ko noong mga oras na iyon. Parang hindi sila tao. Mga mababangis silang hayop na gustong patayin ang isa't isa. Parang sa halimaw ang mga mata ni Papa at si Mama naman ay umiiyak habang tinataga ang asawa niyang sumusunggab sa kanya na parang sinaniban ng demonyo. Sa huli, pareho silang pumanaw sa mismo kong harapan.
Bakit sila nagpatayan? Magulo pa rin ang isipan ko sa nangyari kay Mama at Papa. Hindi ba nila ako naisip? Bakit iniwan nila ako pareho? Sino na ngayon ang makakasama ko? Mag-isa na lang ba talaga ako ngayon?
At nang tuluyang pumasok sa isip kong wala na sina Mama at Papa, may biglang kumupkop sa aking mga tao.
"Isa itong himala!"
Malalaki ang ngiti nila nang makita ako.
"Under normal circumstances, hybrid from a human and a vampire wouldn't even have been born. Vampires instinctively suppress humans' reproductive abilities. . ."
"Pero tignan mo! Malusog na malusog ang batang ito na nasa harapan natin!"
Malaki rin ang ngiti ko nang mapagtantong hindi ako mag-iisa.
". . .and even if a hybrid of a vampire and a human was born, it was fated to die prematurely due to his lack of balance between light and dark."
"This thing was defying the law of nature. Don't let the underworld know about this! Kapag kumalat ito sa mundong ilalim, siguradong hindi na natin magagawa ang kahit ano sa kanya."
"Binagsakan tayo ng langit ng isang mahalagang test subject kaya ingatan niyong huwag siyang patayin."
Pero mali ang pagkakaintindi ko sa ngiti ng mga taong ito.
"Subalit kung mamatay man siya agad, wala na tayong magagawa dahil iyon naman dapat talaga ang kahahantungan niya. Pag-aaralan na lang natin ang lahat ng parte ng katawan niya."
Mali. Hindi sila mga tao. Mga halimaw sila, mas halimaw pa kay Papa, na nag-aanyong tao lang. Akala ko ay ayos nang wala sina Mama at Papa dahil madami silang kumupkop sa akin dito sa malaking bahay na ito. Madaming ilaw at kahit saan ako tumingin ay may puti sa paligid. Maliwanag. Wala akong makitang dilim. Pero nagkamali na naman ako, hindi ito isang bahay.
