03

8 1 0
                                    

CHAPTER THREE

THERE'S a book that I've read in the past. It says that the "sky" is an endless space that spreads out above the earth. The light of the sun that shines through the atmosphere has both red and blue light.

And when the light hits dust in the air and scatters, those colors become visible. Since blue light has a shorter wavelength, it hits dust soon after it enters the atmosphere, making the sky appear blue.

Since the wavelength of red light is longer, it doesn't scatter as readily. Only in the morning and evening when the sun is low in the sky, the light shines for a longer period in the atmosphere, so the red light is scattered, and the sky appears red.

If I'm not mistaken, it's been 15 years nang masilayan kong muli ang langit. Halos nakalimutan ko na ang ganda nito sa labing-limang taon kong pagkakakulong sa gusaling 'yon.

Nakahiga ako ngayon sa sementadong lupa habang hindi ko maialis ang tingin sa kalangitan. Asul na asul ngayon ang langit at bibihira lang ang puting ulap. Itinaas ko ang kanang kamay, kinakapos ako ng hininga sa pagkamangha. Sobrang taas! At totoong napakalawak ng langit. Hindi ko makita ang katapusan.

Humahagikhik ako habang malawak ang ngiting patuloy na pinagmamasdan ang kalangitan. Napansin ko ang mga taong dumadaan at napapatingin sa akin. Hindi sila pamilyar pero nakatingin sila sa akin. Kilala ba nila ako? Bakit sila nakatingin?

Hindi ko na lang sila pinansin at nanatili sa 'king puwesto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko, lalo na at hindi ako makapaniwalang nakalabas ako ng impyernong 'yon. Pagkaalis ng sasakyan nina Sister Lily, sumunod ako kung saan ba sila dumaan. Hindi ako pamilyar sa labas ng gusaling iyon kaya naman lumapit ako sa nag-iisang tao na nakita ko. Naka-itim siyang kasuotan at may nakalagay na 'SECURITY' sa likuran ng damit niya.

"Saan po ang palabas dito?" tanong ko sa kanya.

"Palabas?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Magkasalubong ang kilay niyang iniinspeksyon ako.

"Tsk! Tsk! Dumiretso ka roon," itinuro niya ang daan sa may kaliwa niya. "Malilintikan na naman ako kapag nalaman nilang may nakapasok na naman sa sirang cyclone fence sa likuran. Akala ko naayos na 'yon ni Baldes. Umiral na naman siguro ang katamaran. Nakatira ka ba sa subdivision doon?"

Nalito ako sa sinasabi niyang subdivision pero nakaturo naman ngayon ang hintuturo niya sa gusaling pinaglabasan ko kanina kaya tumango ako.

"Bakit ka pumasok dito?"

Napatabingi ang ulo ko sa muli niyang tanong.

"Hindi ko alam."

Tumaas ang isang kilay niya. Mukhang nagtataka. Bigla siyang lumapit sa akin at kinapkapan ang buo kong katawan. Nang matapos siya, bumalik siya sa puwesto niya kanina.

"Sige na umalis ka na. Huwag ka na ulit babalik dito."

Ganoon ang nangyari kanina. Diniretso ko lang ang daang itinuro niya hanggang sa makarating ako sa lugar na ito. Malawak at madaming tao. Maliban sa langit ay natutuwa ako sa dami ng taong nakikita ko. Ang iba ay tumatakbo papaikot sa lugar, ang iba ay nakasakay sa bisikletang sa libro ko lang nakikita rati, habang ang iba naman ay may mga grupong iniiindak ang kanilang katawan kasabay ng malakas na musika. Nakakatuwa silang panoorin lahat.

Lumipas pa ang ilang oras at madami pang ibang tao ang dumating. May mga grupo na mukhang ka-edad ko lang ang nakita ko. Napapaawang ang aking labi sa tuwing nakikitang tumatalon sila at bumabaliktad sa ere. Hindi ko maintindihan kung paano nila nagawa iyon pero manghang-mangha ako. Nagsasayaw din sila kagaya ng iba kanina pero mas magaling ang pinapanood ko ngayon. Parang inaakit ako ng mga galaw nila. Gusto ko rin sumayaw kagaya nila. Mukhang masaya!

Thirsty [bxb]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon