Morning comes at maaga akong nagising para naman matulungan ko muna sa gawaing bahay si inay bago ako pumasok.
Inayos ko na muna ang pinagkahigaan ko bago ako pumasok sa banyo at naligo.
Matapos kong maligo lumabas agad ako para tulungan si inay sa pagluluto.
"Magandang umaga nay" maligayang bati ko kay inay bago ko s'ya tulungan sa pagluluto.
Naghihiwa ako ngayon ng bawang para sa adobong manok na lulutuin ni inay, matapos kong mahiwa ang bawang inihanda ko na ito kasama ang karneng manok bago ko linisin ang kalat.
Niluto na ni inay ang uulamin namin ngayon ng utusan ako nitong gisingin na ang mga kapatid at itay.
"Nika, Shayla gising na at papasok pa kayo sa school" pag gising ko sa mga ito, si Nika ay grade 6 na at si Shayla naman ay Grade 8. Magkasama sila ng kwartong dalawa at ako lang yung naiba gusto ko kasi ng privacy char hahaha.
Matapos gisingin ang mga kapatid ko pumunta agad ako sa kwarta nina inay para gisingin si itay.
" Tay, gising na ihahatid n'yo pa kami papasok sa school magkakapatid" tinapik-tapik ko ang balikat nito para magising.
Ng magising na si itay lumabas agad ako at binalikan si inay sa kusina.
Nakita kong paluto na ang adobo, naghain ako ng kanin at ni-ready na pagkakainan naming magkakapamilya.
Inihain na ni inay ang ulam at sakto ding pumasok sa kusina ang mga kapatid ko at si itay.
"Ang bago naman ng ulam nay" ani ni Shayla sabay halik kay inay sa pisngi bago umupo.
Gano'n din ang ginawa ni Nika bago ito umupo at nagsimulang kumain.
"Good morning sweetie" bati ni itay kay inay sabay halik sa pisngi nito, nako gagawin pa kaming third wheel magkakapitid nitong magulang namin sa hapag kainan.
"Ahem, baka ho nakakalimutan n'yo ho na may mga anak kayong kasama dito" pagpaparinig ko sa mga ito.
Natatawang napailing nalang ng ulo si itay bago umupo at kumain gano'n din ang ginawa ni inay.
Matapos naming kumain inihatid agad kami ni itay sa school.
Ng makarating kami agad akong bumaba at nagpaalam kay itay at sa mga kapatid ko bago nagpaalam na papasok na, binati ko pa si kiyang guard sa tarangkahan bago tuluyang pumasok.
Tinignan ko muna ang oras sa phone ko at tamang-tama 7 am pa ng umaga at ang start ng klase namin ay 9 am. Napagisip-isipan ko na magmuni-muni na muna ako sa harden na nakita ko no'n first day of school.
Natingin ako sa mga halaman dito sa harden ng may maramdaman akong presensya sa likod ko.
Dali-dali akong humarap at napag-alamang ang magkakapatid pala ito.
Hindi ko na sana sila papansinin ng magsalita ang isa sa kanila.
Ito ata yong raiden ang pangalan ang pinakapanganay ng magkakapatid.
"Hi, arka nice to finaly meet you, I guess you probably know us since we're your classmate" ika nito sa akin.
"Hello, nice to meet you to" naiilang ako sa mga tingin na ipinupukaw ng mga ito sa akin.
"This place is beautiful we didn't know that this kind of place exist in our university it is so beautiful that we couldn't help but stare at it" sa paraan ng pagsasalita nito parang may pinapahiwatig na kakaiba parang hindi ang harden ang tinutukoy nito.
"Yeah, right it is beautiful" yan na lamang ang nasabi ko kasi ang awkward.
Ng mag ring ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.
BINABASA MO ANG
Confinement (HIATUS)
FanfictionArka Bonavich Clemonte a young lad who's only wish to finish college and help his parents, but destiny is not infavor to him as he enchanted the most evil person's in the world. Raiden Kline Sullivan - " you can ran but you can't hide darling~" Cyru...