Part 2 - I can see you

2K 23 1
                                    

Isang linggo na kay Troy ang camera. Laking tuwa nito dahil malaking bagay ang nagagawa niya sa araw araw. Nakakasama na din siya kay Rick sa pag Po-photography nito.

Malapit na ang tag-ulan kaya medyo makulimlim ang panahon. Hindi naman makalabas ang dalawa para mag shoot dahil sa pabago bago ang timpla ng langit.

" Hay! Nga-nga na naman tayo " Buntong hininga ni Rick. " Troy gusto mo ba ng yosi? " Tanong pa nito.

" Ayoko, uy pre akala ko ba kukunan moko ng video habang tumutugtog ng bass guitar?" Sagot nito kay Rick.

" Oo, mamaya pag balik ko. Bibili lang ako saglit ng yosi." Sagot nito sabay labas ng kwarto ni Troy.

Dahil hindi makapag antay si Troy, kinuha na nito ang gitara at inayos ang camera na gagamitin.

" Haist! lowbat na naman ang camera niya. Hindi talaga marunong mag charge." Mahinang sabi nito at nilagay ang camera ni Rick sa tabi.

Agad namang kinuha ni Troy ang camera nito at pinatong sa mataas na parte ng kanyang kwarto para kitang kita siya sa camera.

Feel na feel at Seryosong Tumutug-tog si Troy ng biglang humangin ng kaunti sa mahaba nitong buhok na parang si Jay contreras ng kamikazee.

Sa gulat madali naman nitong tiningnan ang electric fan sa tabi. Binaliwala niya lang ito at sinimulan ulit ang pag tugtog.

Malapit ng matapos ang kanta ng biglang nagkamali ito sa pagkapa ng string ng gitara.

Camera (Horror/Comedy Love story) TAGALOG VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon