Habang malakas ang hangin at ulan sa labas. Nilakasan pa lalo ni Troy ang music na pinapakinggan. Nakahigang kinapa nito ang camera sa bandang ulunan at dahan dahang linilipat ang mga shots na picture nito sa cam.
Ilang sandali pa ang nakalipas ng maramdaman nito ang antok. Nilapag niya sa tabi ang cam na hawak sabay pikit ng mga mata.
"Troy!"
Madaling dinilat ni Troy ang mga mata ng marinig ang pangalan. Lumingon ito ngunit wala naman siyang nakitang tao. Napansin niyang tapos na ang kantang pinapakinggan kaya dahan dahan itong tumayo at lumapit sa pc na nakabukas.
Pagkapili ng kanta agad agad niya naman itong pinatugtog. Dahan dahang tumayo si Troy para bumalik sa higaan ngunit ilang hakbang palang ito namatay bigla ang pinapatugtog.
Nilingo naman nito ang pc at bumalik para patugtugin ulit ang kanta. Hikab na bumalik sa hinihigaan si Troy, papikit pikit na ito ng biglang namatay ulit ang kantang pinapatugtog. Nakahigang nilingon lamang nito ang pc at muling pinipikit ng paunti unti ang mga mata.
"Troy!" Aniya ng isang malumanay na boses.
Bulalas na napatayo ito ng biglang may humawak sa kanyang mga paa.
"Troy!" Muling sabi nito.
"Sino yan? May tao ba dyan sa pinto?" Sigaw nito na nakatingin sa buong sulok ng kwarto.
"Troy! Tulungan moko! Troy!"
Lumapit ito ng bahagya sa pinto at bigla biglang binuksan sabay sigaw. "Sino ba yan ah?"
Inikot nito ang paningin para hanapin kung sino ang tumatawag sa kanya.
"May tao ba dyan? Hmmm anlakas talaga mantrip ang mga tao dito sa bahay na to." Mahinang bulong nito sa sarili at sinara na pinto.
Pagkalingon nito nanlaki ang mga mata ng binata ng makita ang isang babaing nakatayo sa harap niya.
Isang babaing duguan na nakasuot ng school uniform na puti at paldang itim.
"Troy! Tulungan mo ko! Troy!" Mahinang sabi nito sa binata.
Sa sobrang gulat nito at takot humandusay sa sahig si troy.
"Pusha, naman. Hay kalalaki mong tao takot ka sakin." Pailing iling na sabi nito kay troy. "Troy! Troy! Troy!" Gising nito sa binata.
Padilat dilat ang mga mata ng binata, nang nahimas masan ito. Napaatras siya ng makita muli ang dalaga. "A-aray!" Sigaw nito sabay hawak sa ulo ng nauntog sa pinto.
"Troy!"
"Oh! Anu ba? Bakit kaba nananakot? Sino kaba? Sigaw nito sa mukha ng dalaga.
"Ako si Em, parang awa mo na Troy tulungan mo ko!" Aniya nito kay Troy.
"Ayoko! 'Wag kana magpakita sakin. 'Wag ako iba nalang." Sagot nito.
"Hindi pwe-pwe-pwede!" Sabi nito kay Troy at biglang nawala.
Nang nawala ang dalaga. Madaling tumayo si Troy at lumabas sa kwarto.
Napasigaw ito sa gulat ng makita si Rick. "Oh! Anyari sayo pre? "
"Huh? Wala wala!"
"Yan tayo eh. Nanunuod ka na naman ng bold no?" Pilyong sabi nito kay Troy.
"Loko, hindi. Bat ka pala andito?"
"Diba may shoot tayo bukas, eh makikitulog lang ako dito para maaga tayo bukas."
"Huh? Sige sige."
Hindi pa rin maalis sa isip ni Troy ang nakita, pilit nitong iniintindi kung bakit siya pa ang kinausap ng multo eh wala naman siyang third eye.
BINABASA MO ANG
Camera (Horror/Comedy Love story) TAGALOG VERSION
HorrorPaano kung may kaluluwang di matahimik sa nabili mong camera? Tutulungan mo ba siya sa problema niya? O tatakas ka at magtatago sa tuwing magpapakita siya?