Part 4 - Now you see me

1.2K 17 6
                                    

"Oh, pre puyat ka ata?" Tanong ng kaibigan nito habang naglalakad papunta sa napag usapang lugar kung saan sila mag so-shoot.

"Hay! May nakita kasi ako kagabi na babae dun sa kwarto ko." Buntong hiningang sagot nito.

"Babae? Si Laura ba? Haha!" Tawang tanong nito sa kaibigan na tila di naniniwala sa pinagsasabi.

"Loko, hindi— totoo pre. Duguan nga eh. Tapos humihingi sakin ng tulong"

"Haha, hinahanting ka na siguro ni Laura pre, kaya tinatakot ka."

N/A Si Laura ang inaasar na babae kay troy isang babaing baliw na nagkakagusto sa kanya.

"Ewan ko sayo Laura ka ng Laura. Antagal naman ni Kit pupunta pa ba yun? "

"Sabi malalate lang daw eh."

Isang oras na ang nakalipas ng dumating na si Kit.

"Sorry sorry nag paayos pa kasi ako tapos ang traffic pa dyan sa labasan. Sorry talaga." Hinging tawad nito sa dalawa ng dumating.

"Ayos lang, tara magsimula na tayo." Sagot ni Rick sa dalaga.

Matapos ang mahabang pictorial nagpasya ang tatlo na kumain muna bago umuwi.

Sa isang restaurant malapit sa lugar ng pinag pictorialan nila.

"Thank you sa time mo Kit" aniya ni Rick.

"Sos, wala yun." Sagot nito.

"Basta sa uulitin ah?" Pilyong sabi nito kay Kit.

Napansin ni Rick na tulalang nakatitig si Troy sa cellphone nito. Kaya naman kinalabit niya ito na gamit ang siko sabay sabing "diba troy?"

Camera (Horror/Comedy Love story) TAGALOG VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon