Part 1 - My New Camera

3.7K 37 4
                                    

Gulong Gulo na ang isip ni Troy sa kakahanap ng mabibiling camera sa online market.



"Hay! Ang hirap naman pumili lalo na kung puro magaganda lahat " Buntong hininga nito.



Ilang sandali pa ang nakalipas bigla nalang sumulpot sa likod niya si Rick. Isa sa mga matalik na kaibigan ni Troy. Best friend / Home boy.



" Pre, yung kapit bahay namin may binibentang camera. Sa sobrang mura mapapamura kana." Aniya nito.



" Magkano naman yan? Nako nako yan na naman tayo sa mura na yan. tapos sira sira naman." Pailing iling na sagot nito sa kaibigan.



" Loko hindi, yung kapit bahay kasi namin mag iibang bansa na. Ee pang budget din daw yun . Oh anu puntahan na natin? "



Kahit na nagdadalawang isip ito at walang tiwala sa kaibigan pinuntahan niya padin ang binibentang camera.



" Isang linggo palang yan sakin kaya di ko pa masyado nagagamit , Tsaka yung kaunting gas-gas nahulog yan ng anak ko kahapon pero pinatingin ko na yan, okay pa naman daw ee. Ibibigay ko nalang sa inyo ng mura para naman makuha na." Paliwanag nito sa dalawa.



" Nako pre, okay lang yan parang wala ngang gasgas eh. " Sagot ni Rick sa kapit bahay. " Pre, 'wag mo nalang kunin baka may sira na yan." Bulong din nito kay Troy.



May kung anong bagay ang sumagi sa isip ni Troy at tila nagustuhan nito ang camera.



" Sige pre, kukunin ko na 'to. "





To be Continued...

Don't forget to vote and comment.

Camera (Horror/Comedy Love story) TAGALOG VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon