Nangangarap ako na isang araw ay malalaman ng lahat ng tao ang pangalang 'Adrian Ramirez' at malapit nang matupad ang pangarap na 'to dahil in a matter or two months ay sasablay na 'ko. When I say 'sasablay', that means ga-graduate. Apat na taon 'kong iginapang ang sarili ko para lang makapagtapos ng college, well, para na rin mabuhay. Halos buong buhay ko kasi parang mag-isa lang akong lumalaban sa mga pagsubok na dumadating sa'kin. Ten years old ako nang mamatay ang parents ko sa hindi ko malamang dahilan. Kapag tinatanong ko ang Tito Jerry ko, hindi niya ako pinapansin kaya kahit kailan ay hindi ko nalaman kung bakit ako naulila. Kinupkop nila ako sa bahay nila sa Pangasinan. Akala ko doon na ako lalaki at magiging permanente na ako sa kanila ngunit nagkamali ako. Isang linggo pa lang ang nakakalipas nang ipinagbili nila ako sa isang mayamang mag-asawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari noon, ang alam ko lang ay umiyak ako nang umiyak sa loob ng sasakyan ng mag-asawang akala ko ay magiging bago kong mga magulang.
Tinanong ko sila, "Saan po tayo pupunta?" Walang sumagot sa akin hanggang sa makarating kami sa isang malaki ngunit maduming tingnan na bahay. "Dito," sabi ng lalaking bumili sa akin. Sa mga oras na iyon ay wala akong kaalam-alam na ipinagbili pala ako ng Tito Jerry ko. Punong-puno ako ng takot at pangamba sa mga kung anong susunod na mangyayari.
Bumaba ako sa sasakyan habang hawak ako sa braso ng lalaking bumili sa'kin na nalaman kong Max pala ang pangalan at ang babae naman, na nagpanggap na asawa niya, ay si Beatriz. Kitang-kita ang pagiging malalim ng mga mata nila. Parang may itim na pinturang nakapalibot sa pilikmata ni Beatriz na nagbigay sa kanya ng malungkot na hitsura. Nang malapit na kami sa pintuan ng bahay, napansin ko na may pagkaluma na ito at parang wala nang tumitira dito ng mahabang panahon. Kitang-kita ang maitim na dumi na pumapaligid sa puting pintura ng pader ng malaking bahay na iyon.Nang makarating kami sa pintuan ng bahay, sinalubong kami ng isang payat na matangkad na lalaki. Madilaw ang paligid ng puti ng kanyang mata, tanda ng sobrang paghithit ng sigarilyo. Natakot ako sa kanya bilang walong taong gulang pa lamang ako noon. Naisip ko na tao siya dati na kinagat ng halimaw kaya naging halimaw na din. Nakakatawa mang isipin pero oo ganun pa rin talaga ang nasa isip ko hanggang ngayon. Nakakatakot man ang hitsura niya ay siya lang ang nagpakita sa'kin ng kaunting kabaitan habang nananatili ako sa bahay na iyon. Pagkasalubong niya sa amin ay dinala niya kami sa isang malaking kwarto sa second floor ng bahay. Pagpasok namin sa kwarto ay bumungad sa amin ang isang matipuno na middle-aged na lalaki. Nakasuot siya ng amerikana at maayos ang kanyang buhok na para bang presidente. Kaya imbis na matakot ako ay naging kampante ako na nasa mabuting mga kamay ako.
"Boss, nandito na po sila," sabi ng payat at matangkad na lalaki na ang tawag pala nila ay Itak. Malamang dahil sa mahabang sugat sa mukha niyang mula sa itak. Tumayo ang lalaking tinatawag nilang Boss at lumapit sa amin. Tiningnan niya ako at mula sa bulsa niya ay may kinuha. Akala ko ay kutsilyo o baril ang kinuha niya kaya napapikit ako pero hinawakan niya ang baba ko at itiningala ang ulo ko. Pagmulat ko ng mata ko ay may nakabungad sakin na lollipop at sa likod nito at nakita ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. Dahil doon ay napangiti na rin ako at kinuha ko ang lollipop na hawak niya at kinain. Inilayo ako ni Itak nula sa tatlo at pinaupo ako sa isang sofa habang nanatili siyang nakatayo sa tabi nito. Habang nakaupo ako ay tinitingnan ko ang tatlong naguusap. Mukhang seryoso silang tatlo pero di nagtagal ay umalis na sina Max at beatriz at iniwan ako doon kasama ang Boss at si Itak.
Nilapitan ako ng Boss at sinabi, "Dito ka muna titira sa amin. May kailangan kasing puntahan ang mga bago mong magulang. Matatagalan sila sa pupuntahan nila kaya matatagalan ka din dito. 'Wag kang mag-alala, madami kang makikilalang mga bagong kaibigan dito." Sa hindi ko malamang dahilan, sobrang kampante ako sa pagsasalita niya na parang safe ako sa kanya. Kaya wala akong nasabi sa kanya kundi, "Opo."
Ngumiti lang sakin si Boss at inutusan niya si Itak na dalhin ako sa isang kwarto. Habang naglalakad kami ay napapatingin ako kay Itak at isang beses ay tumingin siya sa akin at para hindi ako matakot ay ngumiti din siya sa akin. 'Yun ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Ang Marka ng Nakaraan
General FictionMga ideyang hindi lubos sumasagi sa isipan ko ang nakasulat sa istoryang ito. Bihira rin sigurong maisip ng karamihan. Ayoko ng love story, masyado nang masakit sa puso pag binabasa ko. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang istoryang napili kong sim...