Chapter 3 pt. 1

2 0 0
                                    

Noong isang linggo ay lumabas kami ng girlfriend ko for two years na si Kathy.



Isa siya sa mga dahilan ko para mabuhay. Siya ang pinakamaganda at pinakaperpektong babae na nakilala ko. Ang maputi niyang balat, ang napakabango niyang buhok at ang kulay kahoy niyang mga mata, ay ilan lang sa mga katangian niya na kailanman ay hindi ko pinagsawaang makita.



Nanood kami ng sine, mahilig kasi kami talaga sa mga pelikula lalo na't rated R. Oo, hindi pangkaraniwan si Kathy. Mahinhin man tingnan sa labas ay parang isang tigre naman kung titingnan mo mula sa loob. Sanay na siya sa'kin at sanay na ako sa kanya. Kapag gusto niya at ginaganahan siya, walang makakapigil sa kanya, kahit na ako. Ang panggigigil niya ang nagpapainit sa laman ko, hindi ko siya matiis. Kaya madalas ay sa kama kami humahantong.



Sa paglabas namin ng sinehan ay may isang lalaki na papalapit sa amin. Paglapit niya, napansin kong isa siyang bakla.


"Alvin! Baby, I miss you!" sabi ng baklang papalapit sa amin. Ang dami niyang sinasabi pero di na ko nakikinig dahil namukhaan ko siya at di ko na malaman ang gagawin. Napansin kong lasing siya at may hawak na bote ng alak kaya sabi ko kay Kathy,


"Mukhang lasing 'tong baklang 'to. Mabuti pang umalis na tayo, baka mapahamak pa tayo." Tumango na lang si Kathy at tumakbo kaming dalawa papalayo sa kanya hanggang sa hindi na naming siya makita.






—————————————————————



Hindi nga kami nakatakas at naging mas miserable pa ang buhay namin sa loob ng malaking bahay. Hindi na kami inihaharap ni Boss sa mga mag-asawa dahil alam niyang iniiwasan naming mabili ng isang pedophile.



Naging mas mahigpit din siya sa amin, may tatlo siyang tauhan na nagbabantay sa labas ng kwarto namin at hindi niya kami hinahayaang lumabas kahit sa garden lang ng malaking bahay. Naging tunay na bilanggo na nga kami.



Lumipas ang tatlong linggo makalipas ng pagkamatay ni Itak ay may bumili na kay Lia, isang mayaman na lalaking nasa trenta anyos, at wala kaming nagawa para pigilan ang nangyari. Nagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para mailabas kaming tatlo sa miserableng buhay na magdidikta ng kinabukasan namin.



Ngayon, kami na lang ni Anna namaglalabing-isang taong gulang na noon ang natitira. Wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Hanggang sa unang pagkakataon matapos ng pagkamatay ni Itak ay nagsalita si Anna.



"Para tayong mga mga baboy na pinapataba at inaalagaan para lamang patayin."


 Nagulat ako sa sinabi niya. Pero sa pagkawala ng magulang niya at sa pag-alis ng kaisa-isa niyang kapatid na si James ay hindi ko siya masisisi na nagkakaganito siya. Nalulungkot ako para sa kanya at para na rin sa sarili ko. Ang kapalaran namin ni Anna ay pareho lamang ng hahantungan, isang miserable at nakakatakot na buhay.


Wala akong nasabi, hindi ko alam ang dapat sabihin.


'Patawarin mo ko Anna, wala akong magawa,' ang nais ko sanang sabihin pero ma pinili ko na lang manahimik. Humiga na ako sa aking kama at pinagmasdan ko si Anna, hawak niya ulit ang kuwintas na bigay sa kanya ng kanyang magulang, umiiyak at nakatingin sa mga bituin parang noong unang gabi ng aking panunuluyan sa malaking bahay.



Pinikit ko ang aking mga mata, umaasang kinabukasan ay magiging maayos na ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Marka ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon