Prologue

246 16 3
                                    

"Letche kang hayop kang animal kang siraulong babaero ka! Ano na naman 'to, Zayn?" Binato ko sa kan'ya ang pantalon n'yang naapakan ko kanina pagpasok ko ng sala ng condo n'ya.

Heto siya sa harap ko, wala na namang saplot.

S'yempre kakatapos lang makipag-chukchakan sa babaeng kumaripas ng takbo kanina. Bigyan ko ba naman ng maghipag, mag-asawa, at magkapatid kong sampal.

"Analisa, let me expla—"

"Letche ka! Louisa ang pangalan ko! At saka akala ko ba Dane ang pangalan no'ng babaeng kasama mo kanina? Sino na naman si Analisa, ha?!" Pinagbabato ko siya ng unan mula sa kama na nailagan naman n'ya lahat.

Mas lalong uminit ang bungo ko sa kan'ya!

"Louisa, I'm sorry. L-Lasing ako, magkamukha kasi kayo at saka magkatunog 'yong pangalan n'yo," wika n'ya, kaagad niyang dinampot ang pantalon upang takpan ang pang-ibaba niya.

Magkatunog? Napaisip naman ako, Louisa at Dane.

Napapikit ako nang mariin. Konti na lang ay bibinggo na talaga sa 'kin ang sinungaling na 'to. Anong tingin n'ya sa akin, pinanganak lang kahapon?

Pagmulat ko ng mga mata ay nakuha ng pansin ko ang isang antique na flower vase na nakapatong sa ibabaw ng side table n'ya. Kulay puti ito na may design na rosas. Dinampot ko ito. Aba, mukhang mabigat.

"Mas matigas kaya 'to sa pagmumukha mo?" Hinimas ko ang vase at saka ako tumingin sa kay Zayn.

Nakita ko naman ang pagpapawis ng noo n'ya. Sa puntong ito ay alam kong kinakabahan na siya sa maaari kong gawin. Gano'n naman siya kapag kinakabahan, daig pa ang naka-sona.

"Teka, ingatan mo 'yan! T-That vase cost fifty thousand pesos," kandautal n'yang paalala sa akin.

"Talaga?"

Sunod-sunod naman ang tango n'ya na parang aso.

"Sige, mamili ka. Bubukulan kita nito o babasagin ko sa pagmumukha mo?" Marahan akong naglakad papalapit sa kan'ya.

Napalunok naman si Zayn

"W-Wala ba'ng other option?"

Tumigil ako sa paghakbang at nilagay ang hintuturo sa baba, umakto akong nag-iisip.

"Hmm. . . meron naman."

"Ano?"

Sinadya kong bitawan ang vase. Bumagsak ito sa sahig at nabasag, naglikha ito ng maingay na tunog na siya namang ikinatulala n'ya.

"Nakalimutan ko na pala," wika ko at ngumiti nang pagkatamis-tamis sa kan'ya.

Tinalikuran ko na si Zayn at lumabas na ng kwarto n'yang tila breeding ground na sa dami ng babaeng naikama n'ya sa loob nito. Narinig ko pa ang pagtawag n'ya sa pangalan ko na himala at nasabi na n'ya nang tama. Ngunit hindi ko siya nilingon.

Pagpasok ko sa elevator ay nakita ko pa siyang lumabas ng unit n'ya na naka-boxer lang.

"Louisa, sandali!"

Bago pa n'ya ako maabutan, nagsarado na ang pinto ng elevator at kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Humagulgol ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib na akala mo'y pinagsusuntok sa tulong ng sampung kamay.

Akala ko nagbago na siya. Akala ko kapag binigyan ko s'ya ng pangalawang pagkakataon ay hindi na n'ya ko sasaktan... pero nagkamali ako.

I thought love is sweeter than the second time around?

Bakit ang sakit? Bakit ang hapdi? 

When love is bitter than the first one, is it more bitter than the second time around?

Bitter Than The 2nd Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon