Chapter 3: Katrabaho

126 15 4
                                    

Louisa's POV

"Sige, deal na!" tugon ko na siya namang kinangiti n'ya nang pagkalawak-lawak.

Nag-apir pa sila ni Levi na para bang close na close na sila. Itong batang ito, nabilhan lang ng laruan naging mabait na sa damuhong ito.

Kinabukasan, dahil day off ko pa rin, sinundo n'ya ako dahil pupunta raw kami sa company building ng CardiScent. Iyon ang brand name ng kompanya nila, syempre alam ko dahil ang CardiScent ang isa sa pinakasikat na brand ng pabango sa Philipinas.

Kung hindi ako nagkakamali ay 250 pesos ang pinakamurang pabango nila, may kamahalan dahil branded nga.

"We're here." Tinigil n'ya ang sasakyan sa tapat ng isang gusali na may isang palapag lang naman ngunit napakalawak.

Siya na ang unang bumaba at sumunod naman ako. Sinalubong kami ng limang lalaking nakaunipormeng itim.

Naka-shades pa sila kahit na makulimlim, hindi ko alam kung requirements din bang magmukhang bulag sa pagiging bodyguard ni Zayn.

"Pakilagay na lang sa parking lot," wika n'ya sa isa sa mga nakaitim na lalaki bago n'ya inabot ang susi.

Sinunod naman nito ang sinabi ni Zayn habang ang apat ay sinamahan kami papasok sa loob. Sa labas pa lamang ay bubungad na ang malaking pangalan ng kompanya nila sa taas ng bubong. Sa entrada naman ay nakatayo ang isang estatwa na kamukha ni Zayn habang may hawak na pabango.

Namangha ako pagpasok sa loob. Ang daming ilaw! Pwede kaya makahingi ng isa? Malapit na kasi mapundi 'yong nasa bahay.

Lobby pa lamang ay napakalawak na. May mga upuan din sa magkabilang gilid at sa gitna ay naroon ang information deck. Binati si Zayn ng babae roon, ngumiti lang sa kan'ya si Zayn ngunit parang mahihimatay na ito.

Sa kaliwang daan kami dumiretso, sa unang pinto kami pumasok at bumungad sa amin ang kwartong napupuno ng ilaw.

"Team, listen," pagpukaw n'ya sa atensyon ng bawat isa.

Agad naman silang tumigil sa kan'ya-kan'yang ginagawa at saka humarap sa amin.

"I want you all to meet Luis—"

Siniko ko siya agad at saka ko siya tiningnan nang masama.

"I mean, Louisa. Siya ang bago nating model," saad n'ya.

"Siya si Martin, photographer natin," turo n'ya sa lalaking may nakasukbit na camera sa leeg.

"Sila naman sina Cherry, Pumpkin, Kimchi, at Bubblegum, mga make-up artists natin." Ang tinutukoy n'ya ay ang apat na baklang nasa gilid na kumaway naman sa akin.

"And of course sina Chin, Katkat, Ralph, Zack, at Harvey. Sila ang mga models na makakasama mo."

Sa kabilang banda ay naroon ang limang taong tinutukoy n'ya. Lahat sila ay nakangiting kumaway sa akin maliban sa babaeng mahaba ang buhok at may kahabaan ang baba.

"The rest, ikaw na ang kumilala," wika n'ya kaya naman tumango ako.

"Ahh. . . kailan ba ako magsisimula?" bulong ko sa kan'ya.

"Tomorrow will be the start of your work. Sa ngayon ay pipirma ka muna ng kontrata."

Nangunot ang noo ko. "Kontrata?"

Hindi n'ya ako sinagot bagkus ay lumabas siyang muli sa pintuan kaya naman sumunod na lang ako sa kan'ya. Akala ko ay babalik na kami sa lobby pero lumiko kami sa kanan at pumasok sa isang pinto na may nakalagay na CEO's Office.

"Have a seat." Naupo siya sa swivel chair kaya naman naupo ako sa silya na katabi lang ng lamesa n'ya.

May kinuha siya sa loob ng drawer, isa iyong piraso ng papel at saka ballpen na nilagay n'ya sa harapan ko.

Bitter Than The 2nd Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon