Epilogue

109 8 1
                                    


Louisa's POV

"Excuse me," wika ko sa mga taong naka-standing ovation sa loob ng bus na nasakyan ko.

Wala na 'kong choice kundi ang makipagsiksikan dahil matatagalan pa kapag naghintay pa ako ng susunod na bus. Humawak ako sa hawakan at nagsimula nang umandar ang bus.

Nangasim ang mukha ko nang mapaharap ako sa kilikili ng isang lalaking katabi ko. Nanununtok ang amoy, sana makalabas pa 'ko ng buhay rito.

Isang oras din ang byahe. Humupa rin naman ang mga tao nang malapit na kami sa pier kaya nakaupo na ako sa isang upuan. Pagtigil ng bus ay ako pa ang unang-unang nagbayad at bumaba nito.

"Nasaan ka na, Zayn?" tanong ko sa hangin habang nililibot ang tingin sa malawak na pier.

Saan ko ba siya hahanapin?

Tumakbo ako kung saan man ako makarating hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang pigura niya na naglalakad na papasok ng waiting area habang hila ang maleta niya.

"Zayn! Sandali lang!" Tinakbo ko ang distansya mula sa kinatatayuan ko hanggang sa kan'ya.

Mukhang hindi niya 'ko narinig dahil patuloy lang siya sa paglalakad.

Halos liparin ko na iyon. Konti na lang at mapapalapit na ako sa kan'ya.

Konti na lang...

"Sandali!" sigaw ko ngunit huli na ang lahat at nakapasok na siya sa loob.

Papasok na sana ako nang harangan ako ng guard.

"Miss, ticket niyo?" tanong nito.

"P-Po? W-Wala po akong ticket. 'Yong lalaki pong kakapasok lang, kailangan ko lang siyang makausap, Kuya. Mabilis lang, please."

"Naku, Miss, 'yong huling nagsabi niyan ay nakakulong na ngayon dahil nang-holdap sa loob. Pasensya ka na, hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Umalis ka na."

"Pero, Kuya," pagpupumilit ko pa ngunit hindi na niya ako kinausap.

Bagsak ang balikat kong naglakad papunta sa tindahan na nasa loob nitong pier. Naupo ako sa may upuan. Napagod akong pumunta rito para lang sa wala, nahuli na 'ko.

"Ate, bili ka na ng mani. Sampung piso lang isang balot." Isang matandang babae ang lumapit sa akin, naglalako ng nilagang mani.

"Hindi po, Ate," tugon ko ngunit hindi pa rin siya umalis.

"Sige na, Miss. Masarap 'tong mani ko."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Sa hitsura ni nanay ay mukhang menopause na siya. May asim pa ba siya?

Nagpakawala ako ng buntong-hininga at saka ko kinuha ang wallet ko. Barya na lang ang laman nito kaya nagbilang pa ako. Hangga't hindi ako bumibili ay hindi naman ako tatantanan ni nanay.

Biglang nahulog ang limang piso na dinukot ko at gumulong ito kaya hinabol ko pa ito.

"Letcheng, barya, pa-hard to get." Nang akmang dadamputin ko na iyon ay inapakan naman iyon ng isang sapatos.

"Kuya, pera ko 'yan–"

Nanlaki ang mga mata ko nang mag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni Zayn.

"I thought I'm just hallucinating when I saw you outside the door," wika niya at dinampot ang limang piso.

Pagtayo ko ay niyakap ko siya nang sobrang higpit.

"I'm sorry kung hindi kita pinakinggan. Alam ko na ang lahat, sinabi sa akin ni Chin. Pasensya ka na talaga kung masyado akong OA."

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa at saka niya hinaplos ang likod ko.

"It's okay, I understand."

Humiwalay ako sa kan'ya at hinawakan ko ang poreless niyang mukha.

"Akala ko hindi na kita aabutan," saad ko at nagsimula na namang manubig ang mga mata ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya saka niya ito hinalikan.

"You should just call me. Tatalon naman ako ng barko para bumalik, eh."

Hinampas ko ang balikat niya habang tumatawa.

"Sira! Edi nakain ka ng pating."

"Well, if ever cooperatives found my body inside a shark, I'll be history because I die trying to get back to the girl that I love."

Ang swerte ko. Sobrang swerte ko na makilala siya, na mahalin siya. Nasasabayan niya ang mga kalokohan ko at bonus pa na ang gwapo niya. Kahit kailan ay hindi siya nawala sa puso at isip ko, kahit noong naghiwalay kami.

Ngayon, hindi lang isang lalaki ang nakikita ko. Ang nakikita ko ngayon sa harapan ko ay isang Zayn na handang magbago para sa akin. Isang tao na gusto kong mahalin hanggang sa huling oxygen na kayang i-pump ng baga ko.

"I love you, hogar... sa'yo pa rin ako uuwi," wika niya.

"I love you too, hogar."

Napaawang ang labi niya. "I-Ibig sabihin ba nito..."

Tumango ako habang nakangiti nang singlawak ng lintik na pier na 'to.

"Oo, Zayn, sinasagot na kita ulit!"

Bigla niya akong hinila papalapit sa kan'ya at walang pasabing inangkin ang mga labi ko. Hindi na 'ko pumalag dahil gusto ko rin naman. Mahal ko siya, mahal na mahal.

Nasa kalagitnaan kami ng momentum nang biglang magsalita ang tindera ng mani na nakalimutan kong nandito pa pala.

"Sir, Miss, bibili ba kayo ng mani o hindi?"

Pinutol namin ang halik at sabay na lang kaming natawa ni Zayn dahil sa sinabi ng ale.

I thought it's more bitter than the second time around, but actually it's not. All my second chances will be worth it as long as it was Zayn.

End~

Bitter Than The 2nd Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon