"Y-You?!" Gulat kong sabi sa kaniya. Nakita ko namang kumunot ang noo nito habang seryosong nakatitig saakin.
"Are you going to get this or not?" Walang emosyon nitong tanong saakin. Napatikhim naman ako bago ko kinuha ang towel sa kamay niya.
"Thanks." Mahina kong sabi. Nakita ko namang tumango ito ng isang beses bago ipinikit ang mga mata. Tahimik naman akong napatitig sa buong mukha nito habang pinupunasan ang sarili ko.
Honestly, he's really handsome kaso nga lang sinayang lang ni Marigold. Well, I can't judge her. Hindi ko pa naman kasi nakita ng personal ang crown prince ng Frieda Empire.
"What are you doing there?" Malamig na tanong nito.
"H-Huh?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Napalunok naman ako ng bumukas ang dalawang mata nito at tumingin saakin.
"What are you doing there, alone young lady?" Seryosong tanong nito saakin.
"Namasyal lang po ako, Sir Liam. At yun nga, naabutan ako ng ulan." Sagot ko naman sa kaniya.
"So, you're just roaming around there at this hour, alone?" Seryoso namang tanong nito ulit saakin.
"Ahm, yes." Inosente ko namang sagot sa kaniya.
"Nagpaalam ka ba?" Walang emosyon nitong tanong saakin. Natahimik naman ako at napakagat ng labi. Nang makitang nakatitig pa din ito saakin na parang naghihintay ng sagot ko ay lihim nalang akong napabuntong hininga and slowly shake my head.
Tahimik naman itong sumandal pabalik at ipinikit ang dalawang mata while crossing his arms.
"Dumiretso tayo sa Hazen, Mang Ed!" Seryoso at medyo malakas na sabi nito.
"Opo, Sir Liam." Rinig ko namang sagot ng kutsero sa labas.
Ilang minuto lang ay narating naman namin ang Inbet Street, ang street kung saan naka-locate ang Hazen. Pagsilip ko sa labas ay sakto namang tumigil din ang ulan. Lihim nalang akong napabuntong hininga sa kaba.
Geez. I hope Kuya Albie won't find out na umalis ako.
"Dito niyo nalang po ihinto sa back gate, Mang Ed!" Malakas kong sabi sa kutsero sabay turo sa daan kung saan ang gate.
"Opo, young lady." Rinig ko namang sagot nung kutsero saakin. Nang huminto na ang kalesa sa tapat ng back gate ay agad naman akong nagpaalam ni Sir Liam na ngayo'y walang emosyong nakatingin saakin.
"Thank you po for giving me a ride, Sir Liam. Don't worry po, babawi po ako sa inyo." Sinsero at may kahulugan kong sabi sa kaniya. Napakunot naman ang noo nito habang seryosong nakatitig saakin.
"Aalis na po ako, Sir Liam." Paalam ko sa kaniya. Binigyan ko naman ito ng isang matamis na ngiti bago lumabas ng kalesa. Inalalayan naman ako ni manong kutsero agad pagkabukas ko sa pinto ng kalesa. Matamis naman akong ngumiti at nagpasalamat dito bago naglakad papasok ng gate.
Nakita ko namang umandar na paalis ang kalesa kaya napahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ay dali-dali naman akong nagtungo sa pinto at itinapat ang tenga ko. Nang marinig ko ang isang pamilyar na yapak na papalapit ay agad ko namang binuksan ang pinto.
Dali-dali ko namang tinakpan ang bibig ni Sarah na titili na sana dahil sa gulat. Nanlaki naman ang dalawang mata nito ng napagtantong ako ang kaharap niya. Sinenyasan ko naman itong tumahimik na ikinatango nito kaya mahina ko itong binitawan.
"My lady? Saan po kayo nanggaling?" Nag-aalalang pabulong na tanong nito saakin. Hindi ko naman ito sinagot bagkus ay tinanong ko din ito pabalik.
"Nasaan si Kuya Albie?" Pabulong kong tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Alora: The Nobody
FantasyNo one knew her name nor her face. The only identity she had is that she is the adopted daughter of the Zaragoza and the person behind the success of Zara Company, one of the most successful company in the continent. Athena is a genius and multi-ta...