Chapter 24: Getaway part 1

42 0 0
                                    

CHAPTER 24

Isa's POV

Pagkatigil ng sinasakyan naming bangka sa may dalampasigan, nauna ng bumaba ang mga boys at inalalayan sila Sab pababa ng bangka.

Ang katabi kong si Zach ang sumunod na bumaba at tumayo na din ako.

Bababa na ko nang in-extend ni Zach ang kamay nya para alalayan ako.

Tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka. Natawa lang sya. "What? I'm just trying to help." inosente nyang sagot.

Kinuha ko na ang kamay nya at bumaba na. Kakababa ko pa lang nang marinig ko ang sigaw ni Cassandra.

"Bilisan nyo! May mga gamit pa oh." nagkatinginan na lang kami ni Zach at nagkibit-balikat. Narinig ko pang bumulong si Zach, "Ang sungit."

Tumingin ako sa likod na at nandon na pala si Tristan. Umiwas sya ng tingin sakin. Tatanungin ko pa lang sya nang tinawag na kami nila Jasper.

Lumapit na kami sa kanila at nakita kong sinasabihan na ni Jasper ung mga sumalubong samin kanina na dalhin na ung mga gamit sa villa.

Pagkatapos itinuon na ni Jasper ung atensyon nya samin. "So guys. Kumain muna tayo bago pumunta sa villa natin, alam ko namang gutom na kayo." biro nya at tumawa kami.

Dumiretso na kami sa isang resto na kakabukas pa lang dahil maaga pa lang namin. At kami pa lang ang customers.

Pinagbuksan kami ng guard at i-winelcome kami. Tumungo kami sa table na kakasya kaming lahat at umupo na. Magkakatabi kaming mga girls at kaharap namin ang mga boys.

Dumating na ang waiter at nag-order na kami. "Anong gusto nyong gawin guys after dito?" tanong ni Vince.

Mukha namang napaisip kaming lahat. Ano bang magandang gawin? "Pano kaya kung magpahinga muna tayo sa villa tas let's say after 2 hours tsaka tayo lumarga?" suggest ni Zach.

Nagkatinginan naman kaming mga girls at tumango. Napagod na din kse eh. Eto ngang si Sab nakapikit na eh. "Oo ganun na lang. Napagod din tayo sa byahe lalo na ung nga girls." pagsang-ayon ni Tristan.

Mukha namang napansin ni Sab na sya lang ang nasa ganung position kaya umayos sya ng upo. Di nagtagal dumating na rin ung mga pagkain.

Kukuha pa lang sana ako ng carbonara nang naunahan ako ni Tristan. Akala ko lalagay nya sa plate nya pero nagulat ako ng nilagay nya mismo sa plate ko.

Kinikilig ako ano ba! Ugh.

Ramdam ko ang tingin ng mga kasama namin kaya tumingin na lang ako sa plato ko. Magth-thank you ba ko? Nakaka-----

"You're welcome." agad na sabi ni Tristan kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang sya sakin at pansin kong pinipigilan nya ang sarili nya na tumawa.Okay, nabasa nya kung ano ang nasa isip ko. -.-

Medyo napatawa naman sila. SILA meaning kasama sila Edward at Lance. Tama ba ung nakikita ko? Napatawa ko sila Lance at Edward na laging naka-poker face lang? Woah, nakaka-overwhelm. HA HA HA HA.

Bumalik na kami sa pagkain pagkatapos nung scene na yon.

Binaba ko na ang kubyertos na gamit ko dahil tapos na kong kumain. Tumayo ako kaya napatingin naman sila sakin. "Restroom lang." at tumango na lang sila.

Pumasok ako sa cr at naghugas ng kamay. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at ngumiti.

Natigil ang momentum ko nang bumukas ang pinto. Kaya hinugasan ko ulit ang kamay ko para kunyari diba.

Pagkapasok nya, nakita ko sa periphical vision ko na nakatingin sya sakin. So...?

Ilang segundo nya rin akong tiningnan na para bang sinusuri nya ko bago pumasok sa isa sa mga cubicle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Dream To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon