Chapter 15: A bad day, indeed

18 0 0
                                    

CHAPTER 15

"Ms. Reyes! Are you even listening or do you want me to put you in detention?!" muntik na kong nahulog sa upuan ko dahil sa malakas na sigaw ni Ms. Clemente.

Nang tumingin ako sa direksyon nya, nakatingin pala sakin lahat ng mga kaklase ko. Halatang nagulat sila dahil sa buong buhay ko, first time ko palang yatang masigawan ng isang teacher dahil sa hindi pakikinig.

Eh sorry naman daw, sadyang pre-occupied lang ang isip ko dahil sa mga nangyari last saturday. Napatingin ako kay Tristan, mukhang nagtataka din siya kung bakit ako nasigawan. Alam kong nakatitig din si Drake sakin ngayon pero I didn't mind him.

"Sorry Ms. Hindi na po mauulit." paghihingi ko ng pasensya at bahagyang yumuko. Shit, this is so embarrassing!

"Aba dapat lang. Anak ka pa naman ng mga Reyes, and besides, you're running for valedictorian. It would be a big shame kung mauulit pa 'to. Keep that in mind." after ng mga masasakit na salita ay ipinagpatuloy na nya ang discussion niya.

Wow ha! Ano ba ang pakialam niya sa buhay ko? Baka nakakalimutan niya, teacher lang siya. Hindi dapat niya pinapasok ang personal life ng isang estudyante. Tsaka nahuli lang nya kong nakatingin sa labas ng bintana, hindi pumatay ng tao. Kaya wala siyang karapatang isali pati ang pagiging Reyes ko dito. Tss. -___-

Nakatingin ako sa board at kung ano man ang sinusulat niya pero wala kong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. Wala na nga ako sa mood kanina, mas lalo niya pang pinasama.

"You okay?" mahinang tanong ni Tristan. Aba dapat mag-ingat siya, baka siya naman ang pagdiskitahan ni Ms. Clemente. -,-

Bahagya na lang akong tumango as my response. Ayaw ko munang magsalita at mamansin ng tao ngayon. Ayokong madamay pa sila sa pagka-bad mood ko.

Sumunod pa na pumasok ang ibang mga teachers. Still, wala pa rin akong maintindihan.

*LUNCH*

Kung ordinaryong araw lang ngayon, siguro naglalakad na ko papuntang cafeteria para i-meet sila Sabrina. But as I've said earlier, ayokong may madamay pa sa pagiging bad mood ko kaya here am I, tinatahak ang daan papuntang rooftop.

Meron pa pala akong----

*PLAKKKKKKKK*

"Ay sorry po. Sorry po di ko po sinasadya!" natatarantang sabi ng isang babae. Mukhang mas matanda ako dito. Pero wait, what did just happened?

Naramdaman ko ang init sa aking uniform(blouse). This is coffee! Gosh! Bago pa ko nakapagsalita, nagsalita na ung babae sa harap ko na kanina pa humihingi ng sorry.

"Ate sorry po talaga, di ko po sinasadya." sabi nya habang pinupunasan ng tissue ang blouse ko. Marahas kong hinablot sa kanya ang tissue na nasa kamay niya at ako na mismo ang nagpunas nito sa damit ko.

"Pwede ba sa susunod tumingin ka naman sa dinaraanan mo?! Gosh! Nakaka-abala ka eh!" iritadong sigaw ko sa babae. I feel sorry for her pero wala akong planong magsorry. Bad mood na nga ako, tapos ganito pa mangyayari sakin! Ughhhh!

"O-opo ate, s-sorry po ulit." nauutal na sabi niya. Before pa siya umiyak sa harap ko, tumakbo na siya palayo. Tsk.

Nang mapatingin ako sa paligid ko, halos lahat ng estudyante nakatingin sa akin. Tila ba nagugulat dahil nag-taray ako sa isang babae. Hindi naman na first time ng mangyari 'to, so I don't really give a sh*t.

"What are you looking at?! The show's over." mataray na sabi ko at naglakad na papuntang locker ko. Hindi naman pwedeng ibalandra ko ang sarili ko habang ganito ang suot ko. Buti na lang at may extra uniform ako sa locker ko kung hindi wala na kong damit na pwedeng pampalit.

A Dream To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon