Chapter 5: Déjà vu

50 2 0
                                    

CHAPTER 5

 Author's note:

Isabella and Drake on the side ---> 

Enjoy reading. :) 4 pages dahil ang tagal ng update. :)

Nandito pa ko sa school. 

Ang tagal ng service eh. -___- wag mong sabihing nasiraan na naman si Kuya? Hay.

Sa kalagitnaan ng pagiisip ko, naramdaman kong may biglang tumabi sa akin. Di ko na lang pinansin dahil iniisip ko ung kay Drake and isa pa, wala naman akong pakialam. -_-

"Jessica." 

Walang ibang tumatawag sakin sa ganong pangalan. Maliban sa kanya.

Napatingin ako sa tabi ko para kompirmahin kung totoo nga ang iniisip ko. And yeah, siya nga, si Drake. Nakatingin lang sya sa harapan. Pero ramdam ko ang awkwardness namin sa isa't-isa.

Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang din ako sa harapan. Di ako mapakali, di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

"How are you?" nagaalangang tanong nya. Ok nga ba ko? Hindi ko rin alam.

"I-I'm fine. Ikaw?" baka kse magtanong sya kung sasabihin ko sa kanya ung totoo. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko kung sakali.

"I don't know. Simula naman ng iwan kita, wala namang magandang nangyari sa buhay ko." mapait nyang sabi at tumawa sya pero wala kang mafi-feel na saya. 

'Bakit mo ba kse ako iniwan?' matagal ng gustong itanong ng sarili ko pero hindi ko magawa.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Sisisihin ko ba sya? Tatanungin?  Iibahin ung topic? Ang hirap.

"Kumusta ang love life?" pagiiba nya. Hay salamat, akala ko kse hindi na kami aalis dun sa topic na yun. Pero ano namang isasagot ko sa tanong nya? Love life? Eh simula ng umalis sya, naging tahimik ang love life ko. 

"Uhh, ayos lang?" patanong kong sagot sa kanya. Wala naman kse akong love life eh, tsaka ayaw ko din namang sabihin na 'wala eh'. Baka kse isipin nya na mahal ko pa rin sya. >,>

"Ba't patanong yang sagot mo?" tumawa sya ng mahina. Naguluhan din sya siguro dun. Ako din eh.

"Meron na ba?" tanong nya ulit. Naramdaman kong nakatingin sya sakin ngayon. Titingin din ba ko sa kanya? Baka kse hindi ako makapagsalita pag nangyari yun.

Napatingin na din ako sa kanya. Di ko mapigilan eh. Ilang minuto din siguro kaming nagtitigan. Sya ang unang nagiwas.

"Sorry, I shouldn't be asking you those questions. Hindi pa nga ako nagpapaliwanag, nagtatanong pa ko. Ang kapal ko ba?" tumawa na naman sya ng mahina pero puno ng lungkot.

Napatingin ako saglit sa kanya. Ba't mo ba ko pinapahirapan, Drake? Dapat nakalimutan na kita noon pa eh! Shit.

"I know wala na kong karapatan sayo, but please. Just.. let me explain everything." napatingin ako sa kanya. Puno ng pagmamakaawa at pagsisisi ang makikita mo sa mga mata nya.

"Not now, Drake. I should go, bye." kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling umalis. Bakit kse wala pa ung sundo ko? Ugh! After ilang minutes, nakita kong paparating na ung kotse namin. Tss.

Agad kong binuksan ang pinto at pabagsak kong sinara. Naiinis ako, kung sanang maagang dumating ung sundo ko, hindi ko na sana sya makakausap pa. Hindi na ko sana mas naguluhan pa. Hindi ko sana naramdaman 'tong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko sana naiisip ngayon na mahal ko pa rin sya.

A Dream To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon