Chapter 6: He saved me..AGAIN

44 2 2
                                    

CHAPTER 6

Ughh! *hawak sa ulo* Ang sakit ng ulo ko. Bakit kaya?

Tumayo na ko sa bed para gawin ang daily routines ko. Ung about sa kahapon, hindi ko pa rin magawang kalimutan. Ang lakas ng impact nung sinabi ni Tristan sakin. -__-

About kay Drake, ewan ko. Naguguluhan pa rin ako.

Umalis na nga pala kagabi parents ko papuntang England. Magisa na naman ako. Nagsasawa na kong kasama ung sarili ko. -__- walang sense ang sinabi ko alam ko.

Bangag ako ngayon! Aish. Anong oras na ba?

5:55

Kaya pa yan. Mabilis naman akong kumilos. Kinuha ko na ung phone ko sa drawer ko at bumaba na para kumain.

1 message received:

Sino kaya 'to? Ang aga-aga eh. Nang tingnan ko, si Tristan? 

*LUB.DUB.LUB.DUB*

Shemay. Umagang umaga, binubulabog na naman nya puso ko. -__- JOKE lang yan Readers.

"Isa, good morning! Ung sinabi ko sayo last night, ha? :)" - Tristan

Ihh naman eh! Mareplyan nga.

"Good morning din. Pagiisipan ko muna, haha." ok na ba yan? Or parang halata ako? T-teka, halata?! Eh wala naman dapat syang mahalata kse wala naman akong tinatagong feelings sa kanya eh. Tama. Wala naman talaga.

Sinend ko na. Nababanas ako eh. >,<

"Good morning, Ma'am. Kakain na po ba kayo?" sabi nung katulong. 

"Ay hindi, maliligo na po ako kaya pumunta po ako dito sa kusina." sarcastic kong sabi. Halata naman kse eh dba? Nahalata kong di sya makapagsalita dahil siguro gulat sa sinabi ko. Minsan lang kse ako ganito, usually naman good mood ako pagkagising.

"Joke lang Manang. Opo kakain na ko." sabi ko. Na-konsensya naman ako kahit papano. Kasalanan 'to ni Tristan eh! 

Hinanda na nya ang mga pagkain ko at umupo na ko sa upuan, alangan namang sa table? -______-

Kakain na lang ako para mawala ung badvibes na nararamdaman ko ngayon. After 15 mins, umakyat na ko para maligo. 

After 20 mins tapos na rin ako sa paliligo. Time check: 6:30. Di pa ko late.

Nagbihis na muna ako pagkatapos ay nagsuklay at naglagay ng lip balm sa labi ko. Kinuha ko na ang bag ko at ang phone ko at bumaba.

Lumabas na ko ng bahay at nakita ko si Kuya na pinupunasan ang kotse. Hindi naman na siguro kami masisiraan 'no?

"Kuya, tara na po." sabi ko at pumasok na ko sa loob. Ang galang ko 'no? Hahaha. Ganyan talaga, gusto kong maging magandang halimbawa sa mga kabataan ngayon. :) yaan nyo na ko minsan lang ako ganito. XD

Nadaanan namin ung bahay nila Tristan, nakita ko na ung kotse nila sa labas. Pero di ko sya nakita, nasa loob pa siguro sya. Eh ba't ko naman sya hinahanap? Para namang hindi kami magkikita sa school. A-ang ibig kong sabihin, kahit naman ayaw ko magkikita pa rin naman kami sa school. Hehe.

Kinalikot ko muna ang phone ko at pumunta sa photos, ang dami ko rin palang photos dito. Nandito pa nga ung mga pictures namin last year eh.

May isang picture na nakuha ang atensyon ko.

Picture namin ni Drake. Naaalala ko pa 'to, ito ung araw na sinagot ko sya. Lahat ng mahal namin nandun, parents, friends and relatives.

Buburahin ko na ba? O wag muna? Wag na nga muna, memorable 'tong picture na 'to eh. Kahit isang picture lang ang matira sakin okay na yun.

A Dream To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon