Twitter: Rooftoprincess
Join to our group: Started with a love potion officially
_______Naranasan mo na bang ma-inlove?
kanino?
Well! malamang sasabihin nyo.
Oo!
Sa Bestfriend ko.
Sa Team Captain ng varsity.
Sa Heartthrob ng Campus.
Sa Vocalist/ Bassist/ Drummer ng isang sikat na sikat na banda sa bayan nyo.
Sa pinaka magaling na Dancer sa school ninyo.
Sa Handsome Gangster na schoolmate mo.
Sa isang sikat na artista na kinahuhumalingan ng mga kababaihan/kabaklaan at maging ng mga gurang na bigla na lang nagtransfer sa paaralang pinapasukan mo.
Sa mayabang na richboy na nakabangga mo, nakaaway mo at bigla ka na lang ginawang slave for a month.
Sa Cassanova na classmate mo na ngakong magbabago para sayo.
Sa Isnaberong Genius Handsome na kabatch mo na kapitbahay mo lang pala.
Sa iyong Frienemy ( Friend na Enemy ) na lagi mong kaaway dahil lagi ka ring inaasar then bump! Isang araw at nagising ka na lang bigla nainlove na inlove na sa kanya .
Sa iyong Long Lost Childhood Bestfriend na nang iyong nakitang muli ay na inlove ka .
Sa lalaking pinagkasundo sa iyo ng iyong mga magulang na maging Future Husband mo.
O di kaya naman sa iyong seatmate na Nerd na nang maayusan eh naging Prince Charming na at kinahuhumalingan na ng mga kababaihan pati ng mga kabaklaan.
Kung mapapansin nyo eh yan ang madalas na tema na mababasa mo sa mga libro. Cliché kung baga.
Dyan din talaga kasi madalas ang mga kababaihan ma-inlove.
Doon sa mga taong nakikita at nakakahalubilo lang nila araw - araw.
Eh paano kung mainlove ka sa lalaking hindi mo personal na kilala?
Yung tipong nakita mo lang sya sa isang Game Show. Sa isang station sa t.v na hindi naman kasikatan
Then Boom! bigla ka na lang na "LOVE AT FIRST SIGHT".
Sounds weird pero mayroon bang matinong babae ang maiinlove na lang basta basta sa lalaking hindi mo pa nakakausap o nakikita ng personal man lang?
Oo mayroong ganung babae!
Well meet Psyche Faith Dimagiba
Ang babaing gagawin ang lahat para mahalin ng taong matagal nya ng iniibig kahit pa nga ang gumamit ng gayuma.
BINABASA MO ANG
S7 Series #1 : Started with a love potion (Published Under Lifebooks)
Teen FictionAVAILABLE IN ALL BRANCHES OF NATIONAL BOOKSTORE, EXPRESSION AND BOOKSALE Si Psyche Faith Dimagiba ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin ng lalaking kanyang minamahal kaya naman ginamitan nya ito ng gayuma ngunit paano kung ang gayumang p...