Chapter 2
Psyche Faith Dimagiba P.O.V
Naglalakad ako patungo sa aming bahay nang may mamataang akong puting van na nakaparada sa may tapat ng aming bahay hindi ko akalaing may darating pala kaming bisita ngayong araw. Pagdating ko pa lang sa pintuan ay bumungad sa akin ang mga bagahe at maleta kaya agad kong hinanap si Popsie.
"Popsie, bakit po nakakalat po sa labas yung mga bagahe at maleta natin?" Agad kong tanong nang makita ko sya sa aking kwarto na nagmamadaling inilalagay ang mga damit ko sa isang maleta.
"Kailangan na nating umalis at lumipat ng bahay." sagot nito habang abala pa rin sa pag-iimpake.
"Ba- bakit po kailangan nating lumipat ng bahay? Di ba po itong bahay na lang ito ang natitirang alaala ni Momsie sa atin? naiiyak kong tanong dahilan para umiwas lang ito ng tinggin sa akin.
"Pinapaalis na tayo dito naisangla ko kasi yung titulo ng lupa natin sa bangko pangdagdag puhunan ko sana kaso yung business partner ko tinangay yung pera natin at itinalo sa sugal hindi ko na rin mababawi pa yung pera dahil pina-patay na din sya ng isang sindikatong pinagkakautangan nya." sagot nito.
"Saan po ba tayo lilipat?" muli kong tanong habang tinutulungan ko ito upang maglagay ng mga damit ko sa maleta.
"Sa bahay ng bestfriend ko" Napatigil naman ako sa pagluha dahil sa sagot nito. Ang taray ni Popsie hindi ko akalaing may long lost bestfriend pala sya.
"Taray naman may long lost bestfriend kayo,teka po. Saan po ba yung bahay ng long lost bestfriend nyo Popsie?" tanong ko habang tinutulungan itong ilagay ang mga maleta at bagahe sa puting van na napag-alamanan kong galing pala sa matalik na kaibigan ni Popsie.
"Dalian mo anak sumakay ka na." sagot lang ni Popsie at halos ipagtulakan ako nitong ipasok sa loob ng Van. Lumingon lingon at nagmasid masid pa ito sa paligid bago tuluyang pumasok sa sasakyan.
Nagising ako nang dahil sa mahinang pagtapik sa balikat ko at pagtawag ni Popsie sa pangalan ko. Agad akong gumising at tinanong kung na saang lugar kami. Ganoon na lamang ang gulat ko ng sinabi nyang nasa syudad kami akala ko pa naman sa karatig baranggay lang kami lilipat buti na lang kanina ang huling araw ng klase namin.
Lumabas na ako sa sasakyan at pagkalabas ko pa lamang ay kaagad na tumambad sa aking harapan ang isang maliit na bahay na tamang tama lang para sa aming dalawa. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha wala pa ngang isang araw ay namimiss ko na kaagad ang dating bahay namin. Marami akong masasayang alaala doon at higit sa lahat mamimiss ko rin ang mga naging kaibigan ko sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi man lamang ako nakapagpaalam sa kanila. Tama nga sila pagbabago lang ang permanente sa mundo.
Nang makita ko si Popsie na paparating ay kaagad kong pinunasan ang luha ko at sinalubong ko ito ng ngiti. Ayaw ni Popsie na nakikita akong malungkot dahil mas doble daw ang lungkot nyang nararamdaman pagganun.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tinulangan si Popsie sa paglilipat ng kagamitan sa bagong bahay namin.
Nang matapos kami sa pag-aayos ng bahay ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang bestfriend ko na si Janelle. Hindi pa man sya nakakapagsalita sa kabilang linya ay hindi ko mapagilang di ang umatungal ng iyak.
"Hello Nena, Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong nya kaya naman muli syang nagsalita.
"Ah siguro nalaman mo na yung full name ng crush mo na nakita mo doon sa t.v tapos nalaman mong may girlfriend na sya, Ano?"
"Hind ito tungkol sa kanya tungkol ito sa pag-alis na-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumingit na sya kaagad.
"Nena di ba napag-usapan na natin ito three months lang ako doon sa China. Magbabakasyon lang ako doon sa poder ni Mommy " napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sinabi nya akala nya siguro ang tinutukoy kong pag-aalis ay ang tungkol sa pagpunta nya sa China upang dalawin ang kanyang Mommy, broken family kasi sila kaya bihira lang nyang makita ang kanyang ina dahil may kanya kanya na rin kasi itong pamilya .
"Hindi baka hindi lang tayo tatlong buwang magkikita kas-" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng sumingit na naman sya.
"O.M.G! Wag mong sabihing may sakit ka. Anong sakit mo Leukemia, Tuberculosis, Heart disease ,Cancer o Ulcer? May taning na ang buhay mo? Malapit ka ng mamatay? " tuloy tuloy nyang pagsasalita. Napailing na lang ako sa pinagsasabi nito tinamaan na naman ito ng kapraningan.
"Mamatay agad agad?" sarkastiko kong tanong.
"Ah pasensya naman ganoon kasi yung mga kadalasang scene na nababasa ko sa libro." Pahingin nya ng paumanhin kaya naman Ikwenento ko kaagad ang biglaang paglipat namin ng bahay sa syudad at pagkawala ng aming negosyo.
"Ano ka ba okay lang yan. Malay mo sa syudad mo pala muling makikita si Zachary." Nakakatawa talaga si Janelle madalas kasi umiral na naman ang pagka Madam Auring nya at Author Sydrome
AUTHOR SYNDROME Ito yung tipong wagas kung makangpanteleserye o makapocket book sa PANGHUHULA kung ano ang mangyayari sa love life ng tao batay sa napanood o nabasa nyang story.
"Charotera ka! Makita? taray ng imagination mo nena! Eh paano ko makikita yun eh surname nga hindi ko alam address pa kaya o kung sanlupalot yun nag-aaral?"
"Ano ka ba? pwedeng mangyari yun 'no yung sa story sa manga na nabasa ko at napanood ko sa anime eh ganun yung nangyari." depensa ni Janelle.
"Hay! Nena tigil tigilan mo nga ako noh, mahirap mag-assume kaya maraming kabataang nasasaktan dahil sa assume assume na yan eh at nena mga chuvaers lang na man yung nakasulat at napapanood mo dun at mga malalabong mangyari sa totoong buhay!" Sita ko sa kanya masyadong malala na kasi ang pagiging bibliophile at otaku ni Janelle kaya ang daming nalalaman. "Naku nena bawas bawasan mo nga yang pagbabasa mo ng mga love story kasi kung anu ano na yang pumapasok sa kokote mo pati tuloy ako ginagawan mo ng story na makikita ko sya doon as if namang mangyayari yun noh? Sarcastic kong sabi sa kanya.
♔♔♔♔
BINABASA MO ANG
S7 Series #1 : Started with a love potion (Published Under Lifebooks)
Teen FictionAVAILABLE IN ALL BRANCHES OF NATIONAL BOOKSTORE, EXPRESSION AND BOOKSALE Si Psyche Faith Dimagiba ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin ng lalaking kanyang minamahal kaya naman ginamitan nya ito ng gayuma ngunit paano kung ang gayumang p...