Chapter 1: The beginning

37.5K 938 134
                                    

Psyche Faith Dimagiba P.O.V

Sabado at maulan na hapon ng mapagpasyahan kong buksan ang aming tv. Unang bumungad na palabas sa akin ang isang lumang pelikula na halos higit sampung beses ko na yatang napanood kaya naman nagpalipat lipat pa ako ng station hanggang sa mayroong palabas sa di kilalang station ang pumukaw ng aking atensyon.

"Welcome to "CAMPUS HENYO, The High school division" masayang sabay na pagbungad ng dalawang host ng programa.

"So we're now here in High School Division para malamang kung sino ang magkapagkakamit ng full time scholar sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas ang  Montealegre  University" masiglang pag-aanunsyo ng babaing host

"Kagaya ng sa Elementary Divison. Hindi po muna natin babanggitin kung saan sila nag -aaral dahil kung sino ang mananalo yung lang ang may privilege na sabihin kung saan sila nag-aaral." Pagbibigay impormasyon naman ng lalaking host na lalong nagbigay sa akin ng curiosity upang ipagpatuloy pa ang programa. Na pag-alamanan kong isa pala itong Campus battle.

Ipinakilala na nila ang mga contestant. Ang unang pares na lumabas ay kapwa lalaki. Pinakilala ang kanilang pangalan at edad. Ang pangalawang pares naman ay kapwa babae. Nang lumabas ang huling contestant ay parang tumigil yata ang pag-ikot ng mundo ko nang lumabas ang isang lalaking matangkad at gwapong chinito bahagya syang ngumiti ng itinutok sa kanyang pwesto ang camera na dahilan ng halos pagkalaglag ng panty ko.

Ipinakilala ng host ang kasama nyang babae kaya naman labis akong nasasabik ng banggitin na ang pangalan nya gusto ko kasi syang i-add o i-follow sa lahat ng social media account nya.

"Zachary Hemeros-" Hindi ko narinig ang pag-aanunsyo ng lalaking host ng biglang kumulog nang katakot- takot at sinamahan pa ng nakakasilaw na kidlat mula sa kalangitan.

"Waah Anak ng patola! teka anong apelyido nya? hindi ko tuloy narinig ito kasing si kulog na ito eh." Naiinis kong sigaw napaka-wrong timing naman kasi ng kulog.

Biglang dumagundong ang napakalakas na tunog ng kulog mukhang nagalit pa yata sa akin yung kulog.

Pinagpatuloy ko na lang ulit ang panonood. Lalong pang nadagdagan ang pagkamangha ko sa kanya nang halos sya na lang ang sumasagot sa lahat ng tanong na ibinabato ng mga host kaya naman nang matapos ay hindi katakatakang sila ang nanalo. Muli silang ipinakilala ng host. Sa wakas maririnig ko na rin ang pangalan nya.

"Congratulation Venus Lunchengco and Zachary Hemeros Con-" Hindi ko na naman muling nalaman ang Surname nya bigla kasing namatay ang tv. Nag-brown out pa yata dahil sa lakas ng ulan .

"Oh tapos nahanap mo naman sya?" tanong sa akin ng bestfriend kong si Janelle matapos kong ikwento sa kanya ang tungkol sa aking first love.

"Hindi." malungkot kong sagot.

"Ano sa limang taon na lumipas hindi mo man lang sya nakilala?" gulat na gulat nyang tanong sa akin.

"Oo ginawa ko naman yung lahat eh. Simula noon hinanap ko sya kay Pareng Google. Nag-visit pa nga ako sa website nung channel para makita yung previous episode nung show pero wala yung video nya samantalang yung mga nauna at nahuli pang episode sa kanila nandoon. Nagtataka nga ako nanalo naman sila ibig sabihin babalik pa sila sa finals kagaya nung napanood ko sa ibang contestant pero wala. Walang Zachary Hemeros ang bumalik" paliwanag ko. "Sa totoo lang ang daming factor ang pumasok sa utak ko kung bakit di na sya nagbalik sa show." dugtong ko pa kay Janelle

"Kagaya ng?" tanong nya.

Kagayang ng

A. Panaginip ko lang sya.

B. Imagination ko lang sya .

C. Dahil sa sobrang gwapo at talino nya kinidnap sya ng aliens para gawing hari sa kanilang planeta tapos binura ang lahat ng identity nya.

D. Bigla na lang syang nag-migrate sa ibang bansa.

E. Na- disquilified sya sa game.

"Or worst patay na sya" sabat ni Janelle kaya agad ko syang nabatukan.

"Ito naman hindi mabiro. Ito oh stick O para mawala yang kalungkutan mo dyan sa Zachary na iyan. Dapat nga ako ang magtampo sa ating dalawa limang taon na pala ang lumipas ngayon mo lang na kwento sa akin " nagtatampo nyang sabi at inabot sa akin ang isang grapon ng Stick O.

♔♔♔♔♔♔

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♔♔♔♔♔♔

S7 Series #1 : Started with a love potion (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon