CHAPTER 05: FB Statuses (April, 2011)

3.4K 187 33
                                    

April, 2011

"Anak, andito na si Kristine." Narinig kong sambit ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

I adjusted my glasses first before opening the door. Pero hindi si Mama ang bumungad sa'kin kundi si Kristine na mismo.

"Doktoraaaaaa!" at bigla na lang niya kong niyakap nang mahigpit.

"Clingy."

Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap at inirapan ako. Dire-diretso siyang pumasok sa kwarto ko at nanghalwat agad ng drawer ko!

"Hey! What are you doing?"

"Since you're not yet prepared, ako nang maghahanda ng gamit mo, Doctora."

"Tss. Kristine, hindi nga ako sasama. And please, stop calling me doktora. Nag-aaral pa lang ako, baka mausog."

She stood up and glared at me. "Wow! Soon-to-be-doktora ka pa naman, you have bachelor degree in Biology pero naniniwala ka sa mga superstitious belief? Slow clap for you. Where's your bag?" Sunod naman niyang hinalwat ang mga lagayan ko ng bag.

"Kristine, hindi nga ko sasama."

"Whether you like it or not, you'll join."

"Kristine naman, eh. Madami nga kong gagawin."

"Duh? It's summer vacation kaya! Ang dapat sa'yo mag-relax. Masyado mong pinapagod ang sarili mo kakaaral."

"Pero, Kristine—"

Mabilis na nakalapit sa'kin si Kristine at pinisil ang pisngi ko! Hindi ako makapagsalita nang ayos kaya pinagpapalo ko siya hanggang sa nagharutan na kami. Nagulat pa nga ako dahil dumating 'yung iba naming kaibigan at nakisali sa harutan namin ni Kristine hanggang sa nauwi kaming walo na nakahilata sa kama ko.

"So, ano? Sasama ka na?" tanong ni Hanj.

Napailing na lang ako. "You leave me with no choice."

At sabay-sabay silang naghiyawan.

It's true. Nag-aaral ako ng Medicine. Third year na ko pagpasok. Samantalang sila may mga trabaho na. Professors, environmentalist, lab technician, food tester.

Today is our reunion with my batchmates ('yung mga ka-section ko lang). Wala pang three years na nakaka-graduate may reunion agad. Ibang klase.

Sabagay, minsan lang 'to. Sobrang nakaka-miss nga naman. Sa lahat ng kaklase ko, sa pito lang 'to meron akong matinong communication. 'Yung iba puro text na lang. Tapos nawala pa sa uso ang Friendster, may lumabas na bago last year, 'yung Facebook. Kaya medyo may adjustment sa communication namin.

Well, si ex-crush slash ex-bestfriend...ayun, nag-abroad. Researcher siya doon. Siguradong ang yaman na nu'n pagbalik! Ang laki ng sweldo ng mga biologist at researcher sa ibang bansa! Papasalubungan nga raw niya ko ng bahay at lupa. Alam kong nagjo-joke lang siya nang sinabi niya 'yun habang magkatawagan kami pero 'yung boses niya seryosong-seryoso. Bahala siya. Baka naman lupa lang sa paso ang mabigay niya sa'kin.


SA Laguna ang reunion. 'Yung mga sobrang successful na sa buhay nag-ambagan para rentahan ang isang buong bahay na hindi naman kalakihan pero may swimming pool at kasya naman kaming lahat. 32 lang kaming a-attend, busy-busy-han na sa buhay 'yung iba. Kanya-kanya rin kami ng mga pagkain namin.

Maganda ang venue kasi may swimming pool, may karaoke, may billiard pool, tatlong CR, veranda at terrace, anim na kwarto. Sakto lang para sa'min.

Lahat may trabaho, walang nabuntis at nakabuntis nang maaga, walang napag-iwanan. Para sa'n pa't naging Iskolar ng Bayan kami na nag-aaral sa PUP kung mapapariwara lang ang buhay namin.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon