CHAPTER 09: Gutom (August 2012)

2.5K 133 26
                                    


August, 2012

QUEENIE

MAGLA-LANDING pa lang ang pwetan ko sa upuan para makapagpahinga nang narinig ko na namang tinatawag ako ng isang nurse.

"Pinapatawag ka ni Doc Sario sa Emergency Room."

"Ha? Kakagaling ko pa lang doon, ah?"

"Kailangan ka ulit do'n. May nabanggang bus ngayon-ngayon lang."

Huminga ako ng malalim. Wala naman akong nagawa kundi bumalik ng Emergency Room. Kahit hindi ko na mabilang kung ilang oras ako nandoon kanina. Hindi pa ko naglu-lunch.

Pagbalik ko doon ay ang daming pasyente. Kaliwa't kanan. Mga biktima ng nabanggang bus. Mga nagsisigawan sa sakit, mga nag-iiyakan, mga nagdudugong parte ng katawan, mga walang malay.

Nakaka-toxic, oo. But this is the life I wanted from the very start.

Kahit pagod, kahit wala pang kain, wala pang tulog, tumulong at kumilos pa rin ako.

Noon pa lang aware na ako na ganito ang mangyayari, we were informed. Ilang beses itong inulit-ulit sa'min ng mga doctors na nagtuturo sa'min. Interneship and clerkship for being a doctor is one hell of a ride. Sa ospital, ikaw ang lowest form of animal.

Pero ginusto ko 'to, at patuloy kong gugustuhin.

8PM natapos ang duty ko. Walang lunch, wala pa ring dinner. Tanging biscuit lang sa bulsa ang nakain ko.

Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ako ni Dr. Sario at nginitian. "I can feel your passion, hija. Keep it up." Ayun lang at nagmadali na rin siyang umalis. Baka may schedule siya ngayon ng operation.

I smiled. Kenekeleg eke.

Habang naglalakad ako papunta sa gate ng ospital ay may sumabay sa aking pulang sasakyan. Umirap na lang ako. Eto na naman siya.

"Quennie!" Tinawag niya ko habang nagmamaneho siya. Nakababa na ang bintana.

Hindi ko na lang siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Hey, Queenie my queen!"

Eww!

"Hatid na kita sa inyo?"

"No, thanks."

"Sungit talaga ng Queenie my queen ko. Halika na, sabay na tayong umuwi. Just like the old times? During your College days? Noong tayong dalawa pa..."

Dito na ko huminto sa paglalakad.

"'Yun, o! Papayag na siya!"

Hinarap ko siya na may galit sa mukha.

"Woah. Beast mode."

"Pwede ba, Calvin? Tigilan mo na ko please? 'Wag mo na kong sundan!"

"Hindi kita sinundan, ah. Binisita ko 'yung pinsan ko dito."

"At sinong pinsan?" Kilala ko ang mga pinsan niya. Lahat sila ay nasa malayong lugar.

"Si ano...s-si...'yung classmate ko dati! Siya pala binisita ko, hindi pinsan ko."

I shook my head in disbelief. "Up until now manloloko ka pa rin." I continued walking. Bitter na kung bitter. Pero kapag naaalala ko ang panlolokong ginawa niya noong College ako, naiinis pa rin ako.

He was my first boyfriend. And when you remember something that is your first, you're supposed to feel the sparks, see the colors, and believe in magic. But knowing that he's my first makes me believe that you can have a nightmare even you're awake.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon