CHAPTER 14: Dirty Living

1.2K 63 41
                                    

January 2017

"CONGRATULATIONS!" Iyan ang unang bumungad sa'kin pagpasok ko ng Department ng OB. Agad akong sinugod at niyakap ng mga kasamahan kong OB residents at nagtatalon. Tuwang tuwa sa galak ang mga hayop.

"Tignan mo dali, vinideo ko 'yung panunumpa mo kanina," sabi ng kasama kong residente at sabay-sabay naming pinanood 'yung video.

To be honest nakakahiya pero ganun talaga kapag napro-promote. May assembly ang buong hospital staff every Monday and kailangang pumunta sa harap ng madla ang mga promoted, at isa ko doon.

I am now promoted to third year residency.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ang video. Who would have thought? Ang isang bobo na kagaya ko, bagsakin noong Collge, ay isa ng doctor ngayon.

Nang natapos na ang video ay niyakap nila ulit ako at walang sawang binabati ako ng Congratulations.

"Thank you," sagot ko.

"Ang lagaaaay. Thank you lang ba? Wala pang pakain diyan?" parinig ng kasamahan kong doctor, at kinantsawan na nga nila kong lahat.

"Fine! Fine! Ano bang gusto niyo?"

"Yoooooown!"

Kahit ano talagang profession mo, kahit gaano ka pa kataas, basta tungkol sa libre mga nabubuhayan palagi ng dugo.

Natigilan kaming lahat ng may kumatok sa pinto. Bubuksan ko na sana pero dahan-dahan na itong bumukas. Bumungad sa'ming lahat si Theo na may dalang pagkain sa magkabilang kamay.

"Theooooo!" masigla kong bati sa kanya at agad ko siyang dinamba ng yakap. Hindi pa siya makayakap pabalik sa'kin dahil nga may bitbit siya.

"Uhmm...Queenie..."

If I could only see his reaction right now, for sure mukha siyang inosenteng totoy na hiyang hiya.

"Hay nakooooo! Kaya ang tpxic toxic mo, Queenie, eh!" Kantsyaw ng isa kong kasama at kinuha na ang mga bitbit ni Theo.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan siya. "Hi," ngiting ngiting bati ko sa kanya.

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa'kin pero nakatawa ang mga mata niya.

"Duty na naman si Queenie bukas, tapos magdi-dirty living na naman mamaya, wala na! Toxic na naman si Madam!" panunukso nila sa'kin.

Inirapan ko silang lahat at tumungo na sa lamesa para ilabas ang mga dala ni Theo.

"O ayan ha, may palibreng food na ko sa inyo!"

"Hindi naman galing sa'yo 'yan, no! Kay Theo kaya 'yan galing!"

"O, bakit? Conjugal property!"

Nakita kong napangiti si Theo sa sinabi ko.

"Sige na ngaaaa!"

Isa-isa na silang kumuha ng mga paper plate at nagsimulang kumain. Medyo sanay na rin si Theo sa'min dahil madalas naman niya kong binibisita dito sa hospital.

Naramdaman ko ang bahagyang paghaplos ni Theo sa buhok ko. "Congrats," mahina niyang sambit.

"Thank youuuu." Umabrisyete ako sa kanya.

"By the way, Queenie..."

"Ano 'yun?"

"What's dirty living?"

Halos lahat ng mga kasamahan ko ay sabay-sabay na nabulunan sa narinig nila. Kahit ako nabigla. Nagkatinginan muna kami sa isa't-isa at saka sila tumawa na para bang wala ng bukas.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon